Thursday, October 24, 2024

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Bagyong Kristine Death Toll umaabot sa 20; PH Rescuers patuloy ang paghahanap sa mga na-stranded" ni Bridget Berin

 


Inilatlaha ni: Sarah Belamide 

Petsang Inilatlaha: Oktubre 24, 2024

Oras na Inilatlaha: 8:50


Nagmamadali ang mga rescuer ng Philippine Coast Guard na maabot ang ilang residenteng na-stranded ngayong Huwebes, ika-24 ng Oktubre, dahil sa matinding pagbaha matapos ang malakas na pag-ulan mula sa Severe Tropical Storm Kristine, na nagdulot ng pagkamatay ng higit sa 20 tao.


Sa isang panayam sa Super Radyo DZBB, isinaad ni PRO-5 chief Police Brigadier General Andre Dizon na pito sa mga namatay ay naiulat sa Naga, lima sa Catanduanes, at apat sa Albay, habang isa bawat isa sa Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, at Masbate—lahat ng ito ay nasa rehiyon ng Bicol.


Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang 2,077,643 katao ang naapektuhan ng tropical storm, kung saan 12,334 ang tumuloy sa evacuation centers habang 364 ang nanatili sa ibang lugar. 


Mahigit 30,000 katao ang napilitang umalis sa kanilang mga tahanan sa Bicol noong Miyerkules, ayon sa pahayag ng pulisya, dahil sa "hindi inaasahang mataas" na pagbaha na nagresulta sa pag-agos ng mga kalye na tila mga ilog. 


Kabilang din sa mga apektadong rehiyon ay ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Cordillera Administrative Region.


"Humihingi sila ng tulong sa pamamagitan ng mga post sa (Facebook) at doon namin sila nalaman," saad ni Bicol police spokeswoman Luisa Calubaquib sa AFP.


Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 908 pulis sa Bicol upang magbigay ng tulong sa mga biktima ng masamang panahon.


Gumagalaw ang Bagyong Kristine sa paligid ng Aguinaldo, Ifugao, pakanluran sa bilis na 20 kph, na may maximum sustained winds na 95 kph malapit sa gitna at gustiness na umaabot sa 115 kph.


Inaasahang tatawid ang bagyo sa Hilagang Luzon sa loob ng susunod na 12 oras at maaaring lumabas sa kanluran ng Ilocos Region sa Huwebes ng hapon.



MGA SANGGUNIAN:


[1] Rita, J. (2024, October 24). 20 reported dead in Bicol due to Kristine – police – GMA NEWS https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/924727/7-dead-bicol-kristine/story/


[2] Prese, A. F. (2024, October 24). A race to reach stranded as Kristine's death toll rises — PHILSTAR https://www.philstar.com/headlines/2024/10/24/2394963/race-reach-stranded-kristines-death-toll-rises


[3] Sigales, J. (2024, October 24). Kristine kills 7 persons, affects over 2 million people, says NDRRMC — INQUIRER. NET https://newsinfo.inquirer.net/1996558/storm-kristine-kills-7-persons-affected-over-2-million-people-says-ndrrmc

No comments:

Post a Comment