Dibuho ni: Jowena Decena
Inilathala ni: Haniyah Macadaag
Petsang Inilathala: Oktubre 25, 2024
Oras na Inilathala: 11:28 AM
Karaniwang transportasyon na nakasanayan ng mga Pilipino na siya na ring ikinabubuhay ng mga tsuper sa ating bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng paghahatid sa mga pasahero sa kanilang destinasyon o nais puntahan. Kaya't ang pag-moderna ng mga sasakyan sa Pilipinas ay sadyang hindi nakakatulong sa pag-angat ng ating bansa. Bagama't ang mga kinikilala nating tsuper ay hindi pa gaanong handa o walang sapat na suplay upang matugunan ang modernong sasakyan na ipinatupad ng gobyerno. Nagiging ignorante ang dating sapagkat parang binabalewala ang hinaing ng mga Pilipinong pasahero at ng mga tsuper kaya nauuwi sa pagpo-protesta laban sa kanila. Patuloy ang pagpapatupad ng mga ganitong plano ngunit hindi man lang isinasaisip ang magiging epekto nito sa mga tsuper at pasahero.
Balita ngayon ang transport strike na itinalaga ng PISTON at MANIBELA sa mga naturang araw na ika-23 hanggang ika-24 ng Setyembre. Nasabi rin dito na wala namang gaanong na stranded sa lagay na ito bagama't kaunti lamang ang mga nakiisa na transportasyon sa itinalagang transport strike. Marami ang nag protesta sa nasabing transport strike sa mga piling lalawigan ng NCR ng 6:21 ng umaga. Ang pag momoderna ng mga sasakyan sa ating bansa ay sadyang nakakaapekto sa pang araw-araw ng mga estudyante, empleyado, at ng mga tsuper mismo.
Karagdagan pa rito ang sinabi na ang dahilan nito ay ang pagpapa-bago ng prangkisa at ng rehistro ng mga PUV operators. Ito rin ang dahilan upang mapalago ang mga sasakyan na karaniwang ginagamit ng bawat Pilipinong pasahero araw-araw. Sapagkat ang nakasanayang transportasyon ng mga pasahero ay nagreresulta sa malalang polusyon sa ating bansa. Maganda ang planong ito ngunit walang kasiguraduhan na ito ay maiimplementa nang maayos kung walang sapat na kakayahan ang mga tsuper na mag tugon ng makabagong sasakyan. Aasahan din na tataas ang presyo ng pamasahe at ng langis sapagkat modernong sasakyan ang gagamitin. Karamihan sa mga pasahero ay estudyante na galing pa sa malalayong lugar na nag-aaral sa pampublikong paaralan. Ngayon, paano nila matutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa eskwelahan kung sa pamasahe at baon pa lamang nila ay hindi na sapat? Ang perang gamit ng gobyerno ay galing sa mga empleyado ng bansa kaya nararapat lamang na sila ang mismong mag-provide ng modernong sasakyan para sa mga tsuper.
Dagdag dito ang nasabi ng PTMP na simula sa taong 2017 ay magtatalaga sila ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil ang nakasanayang sasakyan ay matagal, luma at wala nang gaanong kasiguraduhan kung ito pa ay ligtas na pangbyahe sa mga pasahero. Isa pa rito ang paggamit ng maling langis ng mga tsuper na nagre-resulta ng polusyon sa ating bansa. Kahit na kailangan ng pagbabago sa transportasyon kinakailangan din tignan kung may kakayahan bang tugunan ang pangangailangan ng bawat tsuper. Buti sana kung ang pamumuhay lang ng mga tsuper ang naapektuhan; pati ang mga estudyante at empleyado ay nahihirapan makasakay dahil sa pag tatalaga ng transport strike at pag po-protesta ng mga Pilipino laban sa transport strike.
Sa lahat ng ito, ay hindi kinakailangan ng transportasyon ng mga Pilipino na malaki ang pagbabago sa nakasanayang transportasyon na hindi rin kakayanin ng mga tsuper na tugunan. Ang pagtatalaga ng modernong sasakyan ay mahirap sa panahong ito dahil din sa taas ng presyo ng mga bilihin. Ilan sa mga tsuper ay pamilyadong tao at may binubuhay kaya hindi gano'n kadaling tugunan ang pag moderno ng transportasyon sa ating bansa. Ninanais lamang ng mga pasaherong makarating sa kanilang pupuntahan ngunit sa patuloy na pag implementa ng transport strike ay patuloy na tataas ang numero ng po-protesta laban dito upang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang pasahero. Huwag maging mangmang at isipin ang kalagayan ng ating bansa bago magpatupad ng mga ganitong patakaran. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na sa panahong ito ay mahirap mamuhay dahil din sa presyo ng mga bilihin; paano na lamang ang ibang Pilipino na kumakapit sa patalim upang makaraos sa pang araw araw? Hindi lahat ay may kakayahan na mag suporta ng kanilang pangangailangan at dadagdagan pa nila ang problema ng Pilipino. Gobyerno ang dapat na tumutulong sa pagpapaunlad ng bansa ngunit parang sila pa ang humahatak pababa sa mga mamamayang Pilipino.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Bajo, A. F. (2024, September 23). LTFRB: No stranded passengers amid transport strike. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/921345/ltfrb-no-stranded-passengers-amid-transport-strike/story/
[2] Domingo, K. (2024, September 23). PISTON, Manibela hold transport strike anew; gov’t downplays impact. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/2024/9/23/piston-manibela-hold-transport-strike-anew-gov-t-downplays-impact-1640
No comments:
Post a Comment