Disenyo ni: Cianyah Mendoza
Inilathala ni: John David ViΓ±as
Petsang Inilathala: Oktubre 29, 2024
Oras na Inilathala: 7:11 PM
Kategorya: Prosa
Paksa: Pagharap sa hamon ng matayog na pangarap
Iminumulat ni Barbara ang kaniyang mga mata, bumabangon kahit ang katawan ay pagod pa, para sa isang umaga na inaasam na mahagkan niya.
Isang araw sa gitna ng madilim at masukal na gubat, naglalakad si Barbara, hawak ang isang lumang gasera. Ang mga anino ng mga halimaw ay nagkukubli sa likod ng mga matatayog na puno, nagmamasid, nag-aabang. Bawat hakbang tila siya'y pinipigilan ng nakatatakot na halimaw, na marating ang dulo na kaniyang paroroonan.
"Hindi ka makagagawa ng mahika, ang bituin ay maglalaho, kasabay ng 'yong kaluluwa," bulong ng halimaw.
Nang maramdaman ni Barbara ang lamig ng boses ng halimaw na kumapit sa kaniyang tainga, lumingon siya, isang anyo ng anino ang sumiklab sa kaniyang isipan.
Ngunit hindi siya nasindak, o natakot sa halimaw, sa pagdaan ng oras, ang mga anino ay nagbukas ng daan. Sa kanyang puso, nagliyab ang apoy ng tagumpay. Sa dulo ng gubat, nagbukas ang liwanag ng kanyang mga pangarap.
Sa huli, nang bumuhos ang liwanag ng buwan, nagtagumpay si Barbara. Ang gubat ay hindi na isang nakakatakot na daan, kundi isang sahig ng kanyang mga tagumpay. Hinding-hindi siya nasindak; nagwagi siya, nanalo siya, ang plinano niyang buhay ay nahagkan na.
No comments:
Post a Comment