Monday, October 28, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Paglaho” ni Angela Garilao


 

Disenyo ni: Jessie Claire Gozun
Inilathala ni: Jielian Lobete 
Petsang Inilathala: Oktubre 28, 2024
Oras na Inilathala: 9:30 AM

Kategorya: Tula

Tema: Unti-unting pagbabago ng pagmamahalan.


Salitang masigla sa simula,

Ngayo'y tila may pag-aalinlangan na.

Mga ngiti nating dalawa na kay ganda,

Unti-unting naglalaho sa ala-ala.


Sa bawat araw na tayo'y magkasama,

Parang hangin na unti-unting humihina.

Mga pangako'y nawawalan ng saysay,

Tulad ng alon na hindi na bumabalik sa baybay.


Titigan natin dati ay puno ng lambing,

Ngayon ay 'sing lamig na ng hangin.

Puso'y unti-unting nababalutan ng tanong, 

Bakit ang init ng pagmamahal ngayo'y nagiging malamig na hamog?


Sa huling yakap na kay bigat,

Nagtatanong sa isip, saan nga ba tayo napadpad?

Sa kabila ng sakit at lungkot na nadarama,

Tayo'y nagpasya—mahal pa rin kita, subalit iba na ang ating tadhana.



SANGGUNIAN:

jc. (2024, October 12). Drama Movies. Pinterest. https://pin.it/4Y8niI0La

No comments:

Post a Comment