Published by: Dionne Jheoff A. Mendoza
Date Published: November 4, 2024
Time Published: 7:08 AM
Dumating sa Senado noong Lunes ng umaga, ika-28 ng Oktubre, si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang humarap sa imbestigasyon ng blue ribbon committee tungkol sa administrasyon ng kanyang kampanya laban sa droga.
Kasama ni Duterte ang mga dating ehekutibo sina dating Executive Secretary Salvador Panelo, Senador Bong Go, at Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, na pangunahing tagapagpatupad ng war on drugs.
Tinalakay ng mga mambabatas sa pagdinig ang isyu ng extrajudicial killings na umano'y may pagkakahalintulad sa mga operasyon ng Death Squad sa Davao City. Kasama sa mga tanong ang pagkakasangkot ng ilang pulis at opisyal ng pamahalaan.
Dumalo rin ang ilang pamilya ng mga biktima, kabilang ang tiyuhin ni Kian delos Santos, na napatay sa edad na 17 sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.
Mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2019, tinatayang 12,000 hanggang 30,000 katao ang nasawi, karamihan sa kanila ay mga kabataang lalaki na pinatay sa mga kalsada o sa kanilang mga tahanan.
Inamin ni Duterte na nagkaroon siya ng death squad na binubuo ng pitong “gangster” para labanan ang mga kriminal noong siya ay alkalde pa ng Davao City, bago siya naging pangulo.
Hinihimok ng mga senador na sina Risa Hontiveros at Aquilino Pimentel III si Duterte na magbigay ng karagdagang detalye, ngunit hindi naging malinaw ang kanyang tugon at sinabing ipapaliwanag ito sa susunod na pagdinig.
Kabilang din sa usapan ang dating Senador Lila De Lima, na naka-detain noong 2017 sa Custodial Center ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas dahil sa mga kasong droga, na ayon sa kaniya ay may pulitikal na motibo sa kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga.
Inalis ng Muntinlupa Regional Trial Court ang lahat ng mga kaso ng droga laban kay De Lima, na naunang nagsumite ng sertipiko ng nominasyon at pagtanggap bilang unang nominado ng Mamamayang Liberal party-list.
Inihayag ni Duterte na siya ay may "buong pananagutan" para sa madugong digmaan laban sa droga.
Tinatanggihan ni Duterte ang mga paratang na nagbigay siya ng mga salapi sa mga pulis na pumatay ng mga hinihinalang drug suspect sa isang buy-bust operation.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Gomez, J. (2024, October 29) Duterte says he had a death squad' as mayor but didn't order killing as Philippine President — AP NEWS https://apnews.com/.../philippines-duterte-death-squad...
[2] Tamayo, B. E (2024, October 28) Ex-president Duterte, de Lima faceoff seen— MANILA TIMES https://www.manilatimes.net/.../ex-president.../1992131
[3] Tamayo, B. E (2024, October 28) Duterte: No apology for drug war deaths — MANILA TIMES https://www.manilatimes.net/.../duterte-no.../1992212
No comments:
Post a Comment