Mga kuha ni: Rhionalyn Tanoy
Inilathala ni: Lean Miguel Tizon
Petsang inilathala: Nobyembre 3, 2024
Oras na inilathala: 6:09 PM
Pinatunayan ng Home Economics (HE) na istrand kung sino ang hari ng korte matapos durugin ang General Academic-Industrial Arts (GAS-IA) na istrand sa kapanapanabik na kampeonato ng Men’s Basketball, na nagtapos sa iskor na 76-56 sa DVA Gymnasium, noong ika-26 ng Oktubre.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Lashby Cuyong, isang manlalaro mula sa HE ang kanyang nararamdaman sa kanilang pagkapanalo, “It's the best. The feeling of winning a championship is the best, lalo na't 3-peat; there's no greater feeling than that. All of our hard work paid off. It's an unreal feeling; sobrang saya naming lahat.”
Pinasalamatan din ni Cuyong ang suporta at gabay mula sa kanilang mga tagapagsanay na sina Ginoong Clark MariΓ±az, Ginoong Juan Odapin, at Andrei Duran.
Dagdag pa niya, hindi sila nakaramdam ng pangamba mula sa GAS-IA; sa halip, mas sabik silang makipaglaban, “When we were training before the finals we went all out and we know that GAS-IA is strong so we trained for 4 hours non stop and that's definitely the most important moment during our preparation for the finals but even tho alam namin na malakas ang GAS-IA hindi kami napressure sa kanila we were all excited pa to face them to be honest because even if their strong were stronger.”
Nagsimula ang laban sa mainit na pakikisalamuha, kung saan umarangkada ang GAS-IA sa pamamagitan ng sunod-sunod na tatlong puntos at dalawang puntos.
Sa gitna ng laban, habang nagbabatuhan ng puntos ang dalawang koponan, isang manlalaro ng GAS-IA ang nagtamo ng aksidente sa paa, na nagdulot ng pagtigil sa laban at nagdagdag ng tensyon. Ang pangyayaring ito ay nagpasiklab ng mas mataas na sigla mula sa parehong koponan.
Sa pagpapatuloy ng mainit na laban, tila nawalan ng pokus ang GAS-IA simula nang mangyari ang aksidente. Sa kabilang dako, ang HE ay nagtaglay ng kakaibang enerhiya; bawat manlalaro ay sabik na magpakitang gilas. Sunod-sunod nilang pinakawalan ang malalakas na steal, rebounds, at assists. Ang bawat tira ay sinundan ng masiglang hiyawan mula sa mga tagasuporta, na lalong nagbigay ng motibasyon sa mga manlalaro ng HE.
Kumolekta ang manlalarong si Jaypee Canela ng maraming puntos para sa HE, na nagpakita ng kaniyang husay sa laro. Hindi rin nagpatinag si Leonardo Gagar, na agresibong naglaro at bumanat ng maraming puntos, na higit pang nagpalaki sa iskor ng HE.
Habang lumalapit ang oras, patuloy ang pag-ulan ng mga puntos mula sa HE, na tila hindi na mapigilan. Bumandera si John Clerk De Guzman mula sa HE sa pamamagitan ng sunod-sunod na tatlong puntos, na nagbigay ng malaking tulong sa pagkapanalo ng HE. Ang kanilang mabilis na opensa ay nagdulot ng hirap sa GAS-IA na makapuntos.
Tunay na ang tagumpay ng HE ay resulta ng masusing paghahanda at pagtutulungan, kung saan ipinakita ng bawat manlalaro ang kanilang husay at determinasyon.
Ibinahagi rin ni Cuyong na isa sa pinakamahalagang karanasan nila sa basketball tournament ngayong taon ay nang tinalo sila ng Science, Engineering, and Mathematics (STEM). Sa pagkakataong iyon, sila ay nakaramdam ng pagkadismaya, at ang tanging layunin nila ay ang maghiganti at talunin ang STEM sa semifinals.
Ang determinasyon at pagkakaisa ng HE ang nagdala sa kanila sa tagumpay, na nagresulta sa isang nakabibighaning pagkapanalo.
No comments:
Post a Comment