Disenyo ni: Avrianne Cabate
Inilathala ni: Lean Miguel Tizon
Petsang inilathala: Nobyembre 14, 2024
Oras na inilathala: 1:00 PM
Matapos ang matinding kompetisyon sa "I-Land 2," nakatakda nang mag-debut ang K-pop girl group IZNA ngayong ika-25 ng Nobyembre, handang pasukin ang mundo ng musika at pasayahin ang kanilang mga tagahanga.
Sa pamamagitan ng isang pandaigdigang botohan mula sa mga tagahanga ng K-pop sa 217 bansa at rehiyon, napili ang mga miyembro ng grupo na sina Mai, Bang Jeemin, Yoon Jiyoon, Koko, Ryu Sarang, Choi Jung-eun at Jeong Sae-bi sa isang paligsahang programa.
Kilala sila sa kanilang natatanging talento sa pagkanta, pagsayaw, at pag-rap, na napatunayan sa kanilang pagganap sa I-land 2.
Ang grupo, na pinangangasiwaan ng Wakeone, ay nagsimula na sa kanilang paghahanda para sa kanilang debut.
Sila ay nagtatrabaho na sa kanilang unang album, na inaasahang ilalabas sa huling bahagi ng taon.
Nailathala na rin ang kanilang debut trailer at concept photo sa kanilang mga social media account, at ito ay nag-init sa X. Iba’t ibang reaksyon ang nakita sa mga tagahanga nito na nagngangalang “NAYA.”
“ππ©π’π―π¬ πΊπ°πΆ π΅π° π’ππ π΅π©π¦ πππ π πΈπ©π° π©π’π·π¦ π£π¦π¦π― πΈπ’πͺπ΅πͺπ―π¨, πΈπ¦ π’π³π¦ π€πΆπ³π³π¦π―π΅ππΊ π±π³π¦π±π’π³πͺπ―π¨ π§π°π³ πͺπ΅ π’π―π₯ π’π³π¦ πΈπ°π³π¬πͺπ―π¨ π³π¦π’πππΊ π©π’π³π₯, π΄π° π±ππ¦π’π΄π¦ ππ°π°π¬ π§π°π³πΈπ’π³π₯ π΅π° πͺπ΅,” saad ni Bang Jeemin.
Ang kanilang debut ay inaasahang magiging isang malaking kaganapan, na may mga tagahanga na naghihintay na makita kung ano ang kaya nilang ipakita.
PINAGMULAN NG IMAHE:
iZNA. (n.d.). Pinterest. https://pin.it/4q6EXtvtK
kochan. (n.d.). Pinterest. https://pin.it/5vg2zAC7x
MGA SANGGUNIAN:
Bernardo, P. X. J. (2024, November 3). WATCH: K-pop group izna from “I-LAND 2” bares debut date. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/.../k-pop-group-izna-from-i-land
...
Girl group izna set to make official debut on Nov. 25. (2024, November 4). https://koreajoongangdaily.joins.com/.../Girl.../2169817
X.com.
(n.d.-b). X (Formerly Twitter). https://x.com/iznamily/status/1840422132259361272
No comments:
Post a Comment