Disenyo ni: Charisse Mae Suson Ardeza
Inilatlaha ni: Jean Ashley Lugod
Petsang Inilatlaha: Nobyembre 14, 2024
Oras na Inilatlaha: 2:56 PM
Kategorya: Prosa (dagli)
Paksa: Pagdadalamhati
Lumalalim na ang gabi, nandito pa rin ako sa lumang upuan sa sala ng aming bahay. Payapa at tahimik ang paligid. Walang kahit na anong ingay maliban sa pagtunog ng aking kutsara sa bawat paghalo ko nito sa isang tasa ng kape. Maya-maya pa ay napalakas ang paghalo ko, at pumatak sa daliri ko ang bahagi ng kape. Malamig na ito at wala na ang init, gaya ng mga halik at mga yakap na abot hanggang kaloob-looban ng laman ang init ng pagmamahalan. Ngayong malamig na, gaya ng kape, gaya ng hangin na humahampas sa aking balat, ang tanging init na nararamdaman ay ang dumadaloy na luha mula sa aking mata na natatanaw ang katawan mong nakahiga sa puting ataol, malamig na gaya ng kape.
SANGGUNIAN:
Muller, A. (2019, September 20). Watercolor Coffee Painting (A Complete Step by Step Tutorial) - Watercolor Affair. Pinterest. https://pin.it/6wQzmfYQD
No comments:
Post a Comment