Inilathala ni: John David Viñas
Petsang Inilathala: Nobyembre 8, 2024
Oras na Inilathala: 5:34 PM
Kategorya: Tula
Tema: Pinsala ng mahigpit na kalamidad
𝙎𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙪𝙨𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣,
tanging ginaw ang kapalit
ng ginhawang lumubog
kasabay ng aming tahanan.
𝙏𝙞𝙡𝙖'𝙮 𝙗𝙞𝙜𝙡𝙖𝙖𝙣
ang bigat na dala ng habagat
ay hindi naman inaasahan.
Sa kasamaang kapalaran ay nasalanta;
nakagapos na lamang
sa delubyong trahedya ang dala.
𝙎𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙩𝙬𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣:
Ang natatanging tirahan
ay lubusang binaha.
Sa patuloy na pagpatak ng ulan,
ay may sukdulang luha
na walang tigil sa pagtulo,
para sa pangangailangang tulong
upang makaahon.
𝘼𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙞𝙥𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙤𝙧𝙖𝙨,
ipagdarasal ko na lamang—
na nawa'y may sumagot
sa dalangin,
na sana'y may matutulugang ligtas,
at makalikas
sa sakunang dahas.
No comments:
Post a Comment