Tuesday, November 5, 2024

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "MV Sta Monica-A1, patuloy na hinahanap sa Oriental Mindoro" ni Matt A. Tejido


 

Inilathala ni: Jielian Lobete

Petsang Inilathala: Nobyembre 5, 2024

Oras na Inilathala: 5:20 PM



Ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nagsagawa ng search and rescue operation matapos mawalan ng komunikasyon sa barkong MV Sta. Monica-A1 na inulat na nawawala malapit sa Paluan, Occidental Mindoro, noong ika-27 ng Oktubre.


Ayon sa pahayag ng PCG, ang MV Sta. Monica-A1 ay nanggaling sa Sta. Cruz Port sa Taytay, Palawan, na patungo sana sa Barangay Casian upang kumubli muna dahil sa masamang panahon, noong ika-22 ng Oktubre.


“The vessel was reported unreachable by the clearing officer on 27 October 2024. Multiple attempts to contact the crew, consisting of 10 members, including the captain, have since been unsuccessful,” saad ng PCG.


Ayon sa mga residente sa Paluan, Occidental Mindoro, may dalawang bangkay na palutang-lutang milyang dagat ang layo, gayundin ang hindi mabilang na dami ng patay na kalabaw.


Isa pang residente ang nagbalita sa Coast Guard Substation na may nakita ang kaniyang pamangkin na life jacket na may markang "MV Sta. Monica-A1."


Nakipag-ugnayan na rin ang isa sa kinatawan ng nasabing barko sa coast guard para sa agarang impormasyon. Sa kabila nito, hirap pa ring makumpirma ng PCG kung tuluyan na bang lumubog ang barko.



MGA SANGGUNIAN:

[1] Sugimoto, M., & Sugimoto, M. (2024, October 31). Cargo vessel, 10 tripulante, 5 araw nang nawawala. Abante Tonite | Mabilis Sa Balita. https://tonite.abante.com.ph/.../cargo-vessel-10.../


[2] ABS-CBN News. (2024, October 31). Barkong may lulang 10 tripulante at 100 kalabaw patuloy na pinaghahanap nh PCG | TV Patrol [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=2NY7k0QIC0g 


[3]JOVILAND RITA, GMA Integrated News. (2024, October 31). Cargo vessel with 10 crew members missing in Occidental Mindoro. GMA News Online. https://www.google.com/.../cargo-vessel-with.../story/%3famp




 



No comments:

Post a Comment