Inilathala ni: Haniyah Macadaag
Petsang Inilathala: Enero 20, 2025
Oras na Inilathala: 4:41 PM
Kategorya: Tula
Paksa: Politika sa Pilipinas
Sa laban ng kasamaan,
at kadiliman,
talo ang taong bayan.
Ang apoy na nagliyab sa trono,
unti-unting nilamon ang kaharian ng bayan,
ang pagkakaisa ay naging abo,
na tinatangay ng ihip ng hangin
habang ang mga tao’y nawawala sa liwanag.
Sila'y natagpuang sumusunod sa mga naghahari-harian,
naging anino sa ilalim ng kulimlim na kalangitan—
tumatanghod at humihiyaw,
ngunit ang tinig ay naglalaho,
tulad ng alingawngaw sa pandinig ng mga buwayang bingi.
Ang laban ng mga sakim ay talamak,
at sa bawat kanilang hakbang,
ang dalisay ay nawawala,
ang mga mata'y nakatingin sa yaman ng lupa,
at ang kaluluwa ng bayan, unti-unting pinapatay.
Ang kapangyarihan,
na sana’y hawak ng taong bayan,
ngayo'y nabihag ng kadiliman.
No comments:
Post a Comment