Petsang Inilathala: Pebrero 12, 2025
Oras na Inilathala: 6:40 AM
Nagsampa ng kaso ang mga awtoridad noong Lunes, ika-3 ng Pebrero laban sa dalawang dating opisyal na sina Royina Garma at Edilberto Leonardo dahil sa kanilang hinihinalang pagsangkot sa pagpatay kay PCSO board secretary Wesley Barayuga.
Kasama rin sa mga nakasuhan sina Police Lt. Col Santie Mendoza at police informant Nelson Mariano, na ayon sa pagdinig ng House Quad Committee ay itinuro sina Garma at Leonardo bilang mga utak sa pagpatay kay Barayuga noong 2019.
Inamin nina Mendoza at Mariano ang kanilang partisipasyon sa insidente at inilabas ang umano’y mastermind sa plano ng pagpatay.
Ayon kay Mendoza, nakipag-ugnayan siya kay Mariano upang mahanap ang isang hitman na tinatawag sa "Alyas Toks" na siyang pumatay kay Barayuga.
Sa reklamo, tinukoy si "Alyas Toks" bilang si Police Sr. Master Sergeant Jeremy Causapin. Kabilang din sa mga kinasuhan sina "Alyas Loloy" at isang John Doe.
Bagamat itinalaga bilang mga respondente, iminungkahi sina Mendoza at Mariano bilang mga state witnesses dahil sa pagsuporta nila sa imbestigasyon.
Itinanggi naman nina Garma at Leonardo ang mga akusasyon sa pagdinig ng House Quad Committee, kung saan wala silang kinalaman sa pagpatay kay Barayuga.
Nagkaisa naman ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) upang muling imbestigahan ang kaso ni Barayuga.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Damicog, J. (2025, Febuary 3). Criminal charges filed at DOJ on 2020 killing of ex- PCSO board secretary Barayuga– Manila Bulletin https://mb.com.ph/.../criminal-charges-filed-at-doj-on...
[2] Refran, S. (2025, Febuary 3). Murder raps filed vs. Garma, Leonardo, 5 others over Barayuga killing– GMA News https://www.gmanetwork.com/.../garma-leonardo.../story/
[3] Laqui, I. (2025, Febuary 3). Murder raps filed vs. Garma, 7 others over 2020 Barayuga Slay– Philstar
https://www.philstar.com/.../murder-raps-filed-vs-garma-7...
No comments:
Post a Comment