Wednesday, February 12, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—”π—šπ—›π—”π—  𝗔𝗧 π—§π—˜π—žπ—‘π—’π—Ÿπ—’π—›π—œπ—¬π—”: "Tiangco, nanawagan para sa etikal na alituntunin sa paggamit ng AI sa edukasyon" ni Earl James B. Delos Santos


Inilathala ni: Marino Peralta

Petsang Inilathala: Pebrero 12, 2025

Oras na Inilathala: 6:30 AM


Nanawagan si Navotas City Representative Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na magtatag ng mga alituntuning etikal sa integrasyon ng Artificial Intelligence (AI) at teknolohiya sa sistema ng edukasyon sa araw ng Miyerkules, ika-31 ng Enero.


Pinuri ni Tiangco ang pagsisikap na ginawa ng DepEd na i-integrate ang AI sa sistema ng edukasyon na tinawag niyang isang mahalagang hakbang tungo sa modernisasyon ng edukasyon.


“Dapat nating tanggapin na parte na ng ating buhay ang AI, kaya dapat masigurado natin na nagagamit ito nang tama,” ani ni Tiangco.


“Habang nakakatulong ang teknolohiya sa mga estudyante, mahalagang protektahan din natin sila sa mga posibleng panganib nito”.


Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Tiangco ang kahalagahan ng mga alituntunin upang protektahan ang mga guro at estudyante mula sa mga maling impormasyon at posibleng mga mapanganib na interaksyon ng paggamit ng AI.


“Ang ating mga guro ay dapat manguna sa mga inisyatiba upang matiyak na ang AI ay ginagamit nang tama. Ang mga tool na ito ay dapat makatulong sa pagpapabuti ng buhay, hindi makasama," sabi ni Tiangco.


“Pero siyempre, kaakibat ng mga ganitong pagbabago ay ang pagsiguro na matuturuan din natin ang mga guro at estudyante ng tamang paggamit ng AI. Kasi kahit nandiyan ang AI tools, kung hindi alam gamitin, masasayang lang din,” dagdag ni Tiangco.


Dagdag pa rito, hinimok ng mambabatas ang DepEd na tiyakin na ang mga teknolohiyang AI na ipapakilala sa mga paaralan ay makakatulong sa mga estudyante at magpapalakas ng kanilang kakayahang mapaunlad ang sarili.


MGA SANGGUNIAN:

[1] Paunan, J. C., (2025, January 30), Rep. Tiangco calls for ethical AI guidelines in DepEd’s tech-driven learning. Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/rep-tiangco-calls-for-ethical-ai.../...

[2] Clapano, J. R., Porcalla, D., (2025, January 30), Lawmaker seeks ‘ethical AI guidelines’ for tech-driven learning. Philstar Global. https://www.philstar.com/.../lawmaker-seeks-ethical-ai...

[3] Begas, B., (2025, January 29), Toby Tiangco: Ethical AI guidelines needed for DepEd’s tech-driven learning program. Politiko. https://politiko.com.ph/.../toby.../politiko-lokal/...

No comments:

Post a Comment