Monday, February 3, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Puwang ng Pag-asa, Kalakal na Basura" ni Angela Garilao


 Disenyo ni: John Maclen Dolor

Inilathala ni: John David ViΓ±as

Petsang Inilathala: Pebrero 3, 2025

Oras na Inilathala: 6:31PM

Kategorya: Tula
Paksa: Paghihirap at pag-asa sa bawat kalakal na basura


“Bili na po, may halaga pa!” sigaw ng ina,
Ang mga mata ay pagod at puno ng pangamba.
Sampung piso kapalit ng huling pag-asa,
Mga lata’t bote sa junkshop, ibebenta.

“Kuya, bawasan mo naman,” ang sabi ng bata,
Bitbit ang barya, para sa bigas na wala.
Puhunan ay basura, buhay ay taya,
Sampung piso, iyon lang ang halaga.

“Makaraos lang,” bulong ni tatay sa sarili,
Hapdi ng tiyan, saksi ang buhay ng kahirapan.
Bawat kalakal na nakalap, naglalaman ng isang daang pangarap,
Kada benta ng lata’y may kwentong humahapil sa araw.

“Bukas ulit,” sabi nila habang nagbibilang,
Lata, bote, papel—lahat ng 'yon ay may halaga.
Isang daang kalakal para isang araw na buo,
Lahat ay titiisin, mabuhay lang sa mundong ito.



PINAGMULAN NG IMAHE:

Eito, B. (2007, August 6) Bote, Dyaryo! flickr. https://www.flickr.com/photos/buboy1/1023060417

Del Mar, J. (2014, March 10) 7 Must Do’s in Vigan City. destinationcebu. http://destinationcebu.com/blog/7-must-dos-in-vigan-city/

No comments:

Post a Comment