Wednesday, February 12, 2025

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: “VP Sara Duterte, isinakdal ng House of Representatives” ni Lovie Angellyn Lasola


Disenyo ni: Celine Aquii

Inilathala ni: Michelle Piquero

Petsang Inilathala: Pebrero 12, 2025

Oras na Inilathala: 5:40 PM 


Ikinumpirma ni Secretary General Reginald Velasco na 215 sa 306 na mambabatas ng House of Representatives ang pumirma sa petisyong ipatanggal sa opisina si Bise Presidente Sara Duterte noong ika-5 ng Pebrero.

Anak ng pangulo at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang nanguna ika-apat na kaso ng pagsasakdal laban kay Duterte. Habang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinsan ng pangulo, ang namuno sa sesyon.


Ipinaliwanag din ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang kinakailangang bilang ng mga miyembro ng House na pipirma upang maituwid sa Senado ang artikulo ng pagsasakdal.


“A verified complaint resolution of impeachment filed by at least one-third of all the members of the House shall constitute the articles of impeachment,” pagsabi ni Dalipe.


Dinagdag din ni Dalipe na ayon sa kanilang batas ay dapat nang ipasa agad ng sekretarya-heneral ang inihaing complaint sa Senado. 


Sa pag-ayon ng plenarya, malilipat na sa Senado ang kaso na siyang maglalagay sa bise presidente sa isang paglilitis, kung saan 23 na senator ang mga magiging hurado. Maaaring sa paglilitis na ito tuluyang maipatalsik si Duterte sa pagiging bise pangulo ng bansa.


Nabanggit din ng namumuno sa House na ang tatlong iba pang impeachment complaint laban sa bise presidente ay isasantabi upang i-archive.


May 11 na itinalagang tagausig na rin ang House of Representatives para sa magaganap na paglilitis kay VP Duterte. Ang mga itinalaga ay sina Rep. Gerville "Jinky Bitrics" Luistro, Rep. Romeo Acop, Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez, Rep. Joel Chua, Rep. Raul Angelo "Jil" Bongalon, Rep. Loreto Acharon, Rep. Marcelino Libanan, Rep. Arnan Panaligan, Rep. Ysabel Maria Zamora, Rep. Lorenz Defensor, at Rep. Jonathan Keith Flores.


"Ang nasabing complaint laban kay Duterte ay nakapalibot sa amin na malalaking akusasyon laban sa kanya," saad ng House Secretary General, na siyang may kinalaman sa paglabag sa 1987 Constitution, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at iba pa.


Kasama na sa “six major allegations” laban sa bise pangulo ang sabwatang pagtatangka sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos, maling pagwasto sa ₱612.5M na confidential funds, at korupsyon sa DepEd.


Mananatili sa opisina ang kasalukuyang bise pangulo habang ipinapasa ang reklamo sa Senado, na siyang gagawing korte ng impeachment sa oras na maganap ang paglilitis.


MGA SANGGUNIAN:

[1] ABS-CBN News. (2025, February 5). House impeaches VP Sara Duterte. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/.../house-impeaches-vp-sara...


[2] Mendoza, R. (2025, February 5). VP Sara impeached by House. The Manila Times. https://www.manilatimes.net/.../vp-sara-impeached.../2050159


[3] De Leon, D. (2025, February 5). ‘Around 200 lawmakers’ sign to impeach VP Sara Duterte. Rappler. https://www.rappler.com/.../required-number-signatures.../


[4] Ranara, J. (2025, February 5). VP Sara Duterte impeached by House of Representatives. Philstar Life. https://philstarlife.com/.../113185-sara-duterte...


[5] Flores, M., & Lema, K. (2025, February 5). Philippine Congress backs impeachment of Vice President Sara Duterte. Reuters. https://www.reuters.com/.../philippine-lawmakers-back.../


[6] Cervantes, F., & De Layola, Z. (2025, February 5). House impeaches VP Sara. PNA. https://www.pna.gov.ph/articles/1243421


IMAGE SOURCE:


[1]℅De Leon, D. (2025, February 5). ‘Around 200 lawmakers’ sign to impeach VP Sara Duterte. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/required-number-signatures-sara-duterte-impeachment-house-representatives/?fbclid=IwY2xjawIQVJFleHRuA2FlbQIxMAABHW1TzOHacn0aCgH_zYPg9vx4CdcUI1tqRGx7TD3wE1Os_BxdCSBiTumjNA_aem_tJfahnhMUpHYQovSPJUK5Q

No comments:

Post a Comment