Thursday, April 10, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Dito, sa Maynila" ni Michelle Piquero

 


Disenyo ni: Genesis Amemita

Inilathala ni: Kristine Joyce Soriano

Petsang Inilathala: Abril 10, 2025

Oras na Inilathala: 2:55 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pagmamahal na mapagpalaya.


Ikaw ang Maynila.

Magulo, maingay, ngunit para saki'y payapa.

Kung saan ang eskinita ng Buendia ang saksi sa kwento nating dalawa,

At sa kasuluk-sulukan ng Paseo maririnig ang irit ng tawa nating dalawa.


Ang daan ko'y Maynila.

Ang sagot sa mga katanungan ko habang naglalakad pa-Morayta,

Dako sa pagkilala ng mga tala at buwan sa masasaya nating alaala.


Dito, sa Maynila.

Kung saan bumuo tayo ng mga memorya para sa muling pag-alala,

Habang nakatanaw sa paglubog ng araw sa may Campa.

Sa Noval, kung saan ang puso'y 'di mag mayaw,

Papuntang Lacson hanggang sa tayo'y maligaw.


Sa RuaΓ±o, kung saan naghahabulan tayong dalawa,

Hanggang sa Magnus na pinagmulan ng pagmamahalan nating mapag palaya.

Maynila, ikaw ang dulo, gitna, at simula.


At sa huli, Maynila.

Magulo man, ngunit pinagtagpo ang landas nating dalawa.

Kung saan, Maynila,

Naging saksi ang Espanya sa mga luhang bumuhos sa'ting mga mata.


Ikaw ang Maynila.

Minahal, mahal, at mamahalin pa.

Ikaw lang, at wala nang iba.

No comments:

Post a Comment