Thursday, April 3, 2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: โ€œSa Bawat Kailan, Sinoโ€™t Saan?โ€ ni Janela Kim F. Clava

Disenyo ni: Clarisse Garcia

Inilathala ni: Aprilyn Sado

Petsang Inilathala: Abril 3, 2025

Oras na Inilathala: 6:46 AM


Kategorya: Prosa

Tema: Pagtatapos ng mga paghihirap na naranasan mula sa mga panghuhusga at pagtanggap sa kung ano ang namamagitan sa magkaparehong kasarian.


Alam kong may mga malilikot na matang nagmamasid sa bawat paghinga, bawat kataga, at bawat galaw na inihahandog ko sa iyo. Maraming matatabil na labi ang paulit-ulit na bumubulong sa aking nagtataingang-kawali. Hindi ko marinig ang kanilang panghuhusga dahil naidala na ako sa paraiso ng mga bagay na ito; ang boses mong binabanggit ang ngalan ko, ang mga salita mo, at ang tibok ng puso kong tumutono base sa mga halakhak mo.

Totoo ngang kapag hindi mo iisipin, hindi mo makikita. Dahil mas malakas ang liwanag mula sa iyong mga ngiti kaysa sa mga kunot-noo nilang mukha. Ano bang magagawa ng mga taong mapagpanggap at nagugulumihanan kung harap-harapan kong hahawakan ang iyong kamay at ika'y hahagkan? Kung natatabla na ng sandamakmak na prosaโ€™t tula na aking nilikha ang mga pananaw nila? Sinusukuan ko ang mga bagay at pangarap na hindi para sa akin, at naitatak na sa aking puso't isipan na hindi ka kabilang sa ganoong listahan. Hindi kita pinangarap upang sukuan, hindi kita inabot para bitawan. Hindi ko hinayaang tumibok ang puso ko para lang patigilin ito.

Isa lang ang kondisyon na hiningi ko, ilahad mo sakin ang kamay mo upang may gabay ako. Hindi naman yata maitatanggi ng kahit na anong parte ng aking katawan ang takot na bumabalot sa ideya ng ating pagkaligaw at pagkawala. Ngunit kahit ang aking mga kabig ng pusoโ€™t tulak ng bibig ay hindi maikukubling sigurado akong sa iyoโ€™y makakauwi. Ikaw ang desisyon na kailan maโ€™y hindi ako nagkamali, dahil sa bawat sulyap sa'yo ay sumasabay ang bulong sa aking utak; โ€œmaipapanalo mo ang iyong puso.โ€ 

Pwede kanang huminga, pwede na tayong magsaya at sumayaw sa gitna. Magaan na ang simoy ng hangin, hindi na napupuno ng pagdududaโ€™t pangangapa para sa bukas na ihahandog sa atin. Wala na tayong kailangang patunayan, ang naiwan ay tangi at purong pagmamahal na kailangang pagtibayan. Pwede kanang huminga dahil kung sakaling bumigat, alam ko kung paanoโ€™t saan ka hahanapin. Dahil nakaukit na sa bawat bahagi ng aking puso ang galaw, isip, at hulma mo, alam ko kung saan ka tatakbo, at parati 'yong sa bisig ko.

Hindi na tayo magtatago, sa katunayan, maaari na kitang dalhan ng iyong paboritong ulam upang gumaan ang iyong pakiramdam. Maaari na kitang aluin mula sa iyong higaan, sabay na tayong magluluto ng tanghalian, kakain tayoโ€™t aalukin ang mga kasapi sa iyong tahanan. Tapos na ang mga panghuhusga, napalitan na ng ngiti ang kanilang mga mata, bukas na ang kanilang mga bisig para sa ating dalawa. Hindi na tayo luluha dahil sa mga panggagambala ng mga boses mula sa nakaraan at mapanlinlang na hinaharap, dahil alam na natin ang ating patutunguhan.

Sa kahit anong katanungan ang ibato nila sa atin, maibabahagi ng bukangliwaway at dapit-hapon ang katotohanan na sa bawat kailan, sinoโ€™t saan? Ikaw at tanging ikaw lamang ang aking parati at magiging kasagutan.


SANGGUNIAN:

ABS-CBN Star Music. (2015, November 6). Ebe Dancel - Bawat Daan (OFficial Music Video) [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=5_QHzP9C2Ec


PINAGMULAN NG IMAHE:

Tascon, J. (n.d.). Pinterest.
https://ph.pinterest.com/pin/10766486605992836/
 

No comments:

Post a Comment