Disenyo ni: Yanai De Leon
Inilathala ni: Francen Anne Perez
Petsang Inilathala: July 21, 2025
Oras na Inilathala: 7:50 AM
Kategorya: Prosa
Tema: Pagkawala ng gana sa paggawa ng obra
Malikhain akong tao—noon.
Naging masining din ako. Hindi pumapayag na mapag-iwanan sa karera ng paglikha. Ngunit ngayon, tila tumatakbo na lamang ako upang 'di matabunan.
Pagigingdibuhante na lamang ang tanging paraan upang makaapak sa dambana. Mga sariling mata na tumititig sa nakakasilaw na disenyong yari ng iba'y di matakpan. Di mapigilang sumagi sa isip; hindi ba sapat ang ilang buwan kong isinayang upang mag-ensayo?
Matulin ang isip, ngunit hindi sa ideya. Bagkus sa mga bulong na ako'y nauubusan na ng gasul para makalikha ng haraya. Hindi na matanto kung saan na patungo. Dati akong mapang-anyong tagapagdisenyo—ngayon, tila ako na lang ay multo ng sarili kong obra.
Hindi magawang talikuran ang talento—sapagkat ito'y natatangi. Ngunit tanong ko; ang sining nga ba’y dapat ko nang burahin sa isipan? O isa lamang itong yugto sa buhay ng isang manlilikha kung saan ang kanyang dating mga aha ay nag-uunahan, ngunit ngayon ay nagsisitago na sa kailaliman?
Hindi matanggap ang nangyayari. Ngunit hindi mababago na unti-unti na ring nagiging abo ang aking mapanlikhang-isip.
No comments:
Post a Comment