Inilathala ni: Jellyssa Boniza
Petsang Inilathala: Agosto 14, 2025
Oras na Inilathala: 6:36 AM
Kategorya: Prosa
Tema: Pag-ibig sa gitna ng kasinungalingan, ang pagluluksa nang walang karapatan—isang lihim na nagiging pasanin, isang awit na hindi na matatapos.
Hindi siya namatay ngayong taon. 𝗚𝗮𝗻𝗼’𝗻 𝗸𝗼 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁—sa mga biograpo, sa mga nag-aalay ng kandila—isang maling taon na naging katotohanan sa 𝗽𝗮𝘂𝗹𝗶𝘁-𝘂𝗹𝗶𝘁 na pagsambit. Ang totoo: inalisan siya ng hininga noong Pasko ng 2024, nang patayin ng mga kamay ng sariling dugo ang makinang humihinga para sa kanya. Kompositora siya. Tahimik na bumababa sa hagdan ng konserbatoryo, mga daliri’y sumasayaw sa hangin habang inaayos ang mga himig na hindi pa naririnig ng mundo. Parehong tayo’y gumagawa noon ng obra—tinig at kuwerdas, mga salitang ikinukulong sa ilalim ng mga buong nota, pinipigil ang oras sa bawat guhit ng pentagrama.
Gusto kong maalala ang tunog ng kanyang kwarto: ang papel ng musika na bumabagsak sa sahig tuwing napapagod na tayo, ang hininga naming dalawa na parang preludyong hindi matapos-tapos. Panahon iyon ng bakasyon, ng mga balikbayan, ng mga pista na puno ng tao. Gabi iyon. Maliwanag ang langit pero mabigat ang lahat. Apat sila sa kotse—walang lasing, walang dahilan—pero yung drayber, 𝗯𝗮𝘀𝗮𝗴. Ako? Nasa bar, naghihintay. Nang magsara ang lugar, iniwan ko ang ikaapat na mensahe sa kanyang telepono: “Saan ka? 𝘕𝘢𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘢?"
Tumawag ang kaibigan ko bandang alas-tres. May aksidente. May banggaan. May katawan.
“Puntahan mo ang apartment. Kunin mo ang mga gamit mo bago sila dumating."
Bakit? Bakit ako? 𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣?
Doon ko nalaman—hindi niya sinabi sa kanila. Tungkol sa atin. 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. At ngayon, parang mas kasalanan ko pang ipaalala sa kanila na may bahagi siyang itinago. Nagmaneho ako nang walang ulirat, mula sa lugar ng banggaan hanggang sa kanyang pinto, mula sa dilim hanggang sa bukang-liwayway. Pumasok ako sa bintana. Hindi ko alam kung ano ang dapat kunin at kung ano ang iiwan. Mga damit? Mga libro? Ang mga nota? Ang mga piyesa?
𝗠𝗮𝗹𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝘂𝗵𝗮 𝗸𝗼.
Hindi iyon ang hindi pa natutugtog. Hindi iyon ang huling awit. Iyon ang tapos na—ang naipatugtog na. 𝘈𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺.
Pagkatapos ng Pasko, may lamay. Umupo ako sa likuran. Nagsalita ang ama niya—may nawawala raw, 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝗽𝗼𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮. “Kung nakanino man iyon, sana’y maibalik sa amin.”
𝘕𝘢𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯.
𝙋𝙚𝙧𝙤 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙤 𝙢𝙖𝙞𝙗𝙖𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠.
Sa bisperas ng Bagong Taon, suot ko ang itim niyang dyaket—ang lamig ng seda sa balat ko, ang bulsa niyang puno ng hangin. Sa bulwagan ng isang hotel, kumakain ng oras ang mga tawanan, ang mga kandila’y nasusunog sa mga mesa. 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮 ang baso ko: isang puno, isang hindi. Hindi ko ininom ang kanya. 𝗧𝗶𝗻𝗶𝘁𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗸𝗶𝗱𝗼—kung paano ito kumikinang, kung paano ito umuuga sa bawat kilos ko.
Bawat tingin ko sa baso niyang hindi nauubos, naririnig ko ang tunog ng piyesang 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴.
𝗡𝗮𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗹𝘀𝗮 𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗮𝗽𝗼𝗿𝘁𝗲.
𝗛𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗿𝗮.
𝗛𝘂
𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗸𝗼.
No comments:
Post a Comment