Monday, August 18, 2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗛𝗔𝗠 𝗔𝗧 𝗧𝗘𝗞𝗡𝗢𝗟𝗢𝗛𝗜𝗬𝗔: "Pinakamalaking naitalang 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦, 36 bilyong beses ang bigat sa Araw" ni Earl James B. Delos Santos



Inilathala ni: Mherry Vhine Macalalag

Petsang Inilathala: Agosto 18, 2025

Oras na Inilathala: 8:51 AM


Natuklasan ng mga siyentista ang pinakamalaking naitalang 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦 na may bigat na halos 36 bilyong beses sa Araw, ayon sa pag-aaral na inilathala sa 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩𝘭𝘺 𝘕𝘰𝘵𝘪𝘤𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘙𝘰𝘺𝘢𝘭 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰𝘮𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘚𝘰𝘤𝘪𝘦𝘵𝘺 noong ika-7 ng Agosto.


Ang nasabing 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦 ay matatagpuan sa sentro ng isang higanteng 𝘨𝘢𝘭𝘢𝘹𝘺 sa 𝘊𝘰𝘴𝘮𝘪𝘤 𝘏𝘰𝘳𝘴𝘦𝘴𝘩𝘰𝘦 𝘴𝘺𝘴𝘵𝘦𝘮, na limang bilyong 𝘭𝘪𝘨𝘩𝘵-𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴 ang layo mula sa Daigdig.


Ayon sa mga mananaliksik, ito ay “𝘤𝘭𝘰𝘴𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘰𝘳𝘦𝘵𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘶𝘱𝘱𝘦𝘳 𝘭𝘪𝘮𝘪𝘵 𝘰𝘧 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘴 𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘶𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘦” at posibleng pinakamalaki sa kasaysayan ng agham.


“𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘢𝘮𝘰𝘯𝘨𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘰𝘱 10 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘴𝘪𝘷𝘦 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦𝘴 𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘥𝘪𝘴𝘤𝘰𝘷𝘦𝘳𝘦𝘥, 𝘢𝘯𝘥 𝘲𝘶𝘪𝘵𝘦 𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘭𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘴𝘪𝘷𝘦,” saad ni 𝘗𝘳𝘰𝘧𝘦𝘴𝘴𝘰𝘳 Thomas Collett ng 𝘯𝘨 𝘜𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺 𝘰𝘧 𝘗𝘰𝘳𝘵𝘴𝘮𝘰𝘶𝘵𝘩 𝘴𝘢 𝘜𝘯𝘪𝘵𝘦𝘥 𝘒𝘪𝘯𝘨𝘥𝘰𝘮.


Ang pananaliksik ay resulta ng kolaborasyon nina 𝘓𝘦𝘢𝘥 𝘙𝘦𝘴𝘦𝘢𝘳𝘤𝘩𝘦𝘳, Carlos Melo, isang 𝘗𝘩𝘋 𝘤𝘢𝘯𝘥𝘪𝘥𝘢𝘵𝘦 mula sa 𝘜𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘥𝘢𝘥𝘦 𝘍𝘦𝘥𝘦𝘳𝘢𝘭 𝘥𝘰 𝘙𝘪𝘰 𝘎𝘳𝘢𝘯𝘥𝘦 𝘥𝘰 𝘚𝘶𝘭 (UFRGS) sa Brazil at Collett. 


Nadiskubre ito gamit ang 𝘨𝘳𝘢𝘷𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘭𝘦𝘯𝘴𝘪𝘯𝘨 at stellar kinematics, na sumusukat sa bigat nito sa pamamagitan ng pagbaluktot ng liwanag at paggalaw ng mga bituin.


“𝘔𝘰𝘴𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦 𝘮𝘢𝘴𝘴 𝘮𝘦𝘢𝘴𝘶𝘳𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘪𝘯𝘥𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘲𝘶𝘪𝘵𝘦 𝘭𝘢𝘳𝘨𝘦 𝘶𝘯𝘤𝘦𝘳𝘵𝘢𝘪𝘯𝘵𝘪𝘦𝘴, 𝘴𝘰 𝘸𝘦 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘧𝘰𝘳 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘪𝘴 𝘣𝘪𝘨𝘨𝘦𝘴𝘵. 𝘏𝘰𝘸𝘦𝘷𝘦𝘳, 𝘸𝘦’𝘷𝘦 𝘨𝘰𝘵 𝘮𝘶𝘤𝘩 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘤𝘦𝘳𝘵𝘢𝘪𝘯𝘵𝘺 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘢𝘴𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘯𝘬𝘴 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘯𝘦𝘸 𝘮𝘦𝘵𝘩𝘰𝘥,” saad ni Collett.


Pinaniniwalaang nabuo ito sa pamamagitan ng pagsasama ng maraming 𝘨𝘢𝘭𝘢𝘹𝘺 at kani-kanilang 𝘤𝘦𝘯𝘵𝘳𝘢𝘭 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦𝘴 sa nakaraan. 


𝘋𝘰𝘳𝘮𝘢𝘯𝘵 ang 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦 na ito, kaya’t hindi ito naglalabas ng malakas na 𝘳𝘢𝘥𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 o humihigop ng materyal tulad ng ibang mga aktibong 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦.


“𝘞𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘪𝘻𝘦 𝘰𝘧 𝘣𝘰𝘵𝘩 𝘪𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘪𝘮𝘢𝘵𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘯𝘬𝘦𝘥,” saad ni Collett, “𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘨𝘢𝘭𝘢𝘹𝘪𝘦𝘴 𝘨𝘳𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘤𝘢𝘯 𝘧𝘶𝘯𝘯𝘦𝘭 𝘮𝘢𝘵𝘵𝘦𝘳 𝘥𝘰𝘸𝘯 𝘰𝘯𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘦𝘯𝘵𝘳𝘢𝘭 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦."


Nagbigay ang pag-aaral na ito ng mas malalim na pag-unawa sa ebolusyon ng mga galaxy at sa misteryo ng kalawakan.


Plano ng mga siyentipiko na gamitin ang 𝘌𝘶𝘳𝘰𝘱𝘦𝘢𝘯 𝘚𝘱𝘢𝘤𝘦 𝘈𝘨𝘦𝘯𝘤𝘺'𝘴 𝘌𝘶𝘤𝘭𝘪𝘥 𝘴𝘱𝘢𝘤𝘦 𝘵𝘦𝘭𝘦𝘴𝘤𝘰𝘱𝘦 upang maghanap ng iba pang mga malalaking 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦𝘴 para mas lalong maintindihan kung paano napapahinto ng isang 𝘣𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘩𝘰𝘭𝘦 ang paghulma ng bituin ng mga 𝘨𝘢𝘭𝘢𝘹𝘺.


Mga Sanggunian:


[1] Global Desk. (2025, August 8). Black hole 36 billion times Sun’s mass discovered, likely the biggest ever in space. The Economic Times. https://economictimes.indiatimes.com/news/international/us/black-hole-36-billion-times-suns-mass-discovered-likely-the-biggest-ever-in-space/articleshow/123184893.cms?from=mdr


[2] Ravisetti, M. (2025, August 8). The biggest black hole ever seen? Scientists find one with mass of 36 billion suns. Space. https://www.space.com/astronomy/black-holes/the-biggest-black-hole-ever-seen-scientists-find-one-with-mass-of-36-billion-suns


[3] Tonkin, S. (2025, August 7). 'Most massive black hole ever discovered' is detected. Royal Astronomical Society. https://ras.ac.uk/news-and-press/research-highlights/most-massive-black-hole-ever-discovered-detected


No comments:

Post a Comment