Wednesday, August 20, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Sikap Tungo sa Pangarap" ni James Meynard R. Pescadera





Inilathala ni: Rich Antonette M. Pescasiosa 

Petsang Inilathala: Agosto 20, 2025

Oras na Inilathala: 9:24 AM


KATEGORYA: Tula

TEMA: Pagsisikap para sa isang pangarap


Sa isang gabi ako'y napa-idlip,

Dinala ng isip sa isang panaginip.

Natuklasan ang tunay kong pangarap—

Na alam kong balang araw ito'y makakamit dahil sa sikap.


Dumating sa puntong nais nang sumuko,

Sobrang pagod, ngunit pinipilit tumayo.

May mga gabing puno ng pagdududa,

Mas lalong humina at nawalan ng gana.


Sa kabila ng pagsubok, tinuloy ko ang laban,

Kahit na mahirap ang bawat naging daan.

Ang hamon sa buhay ay tila isang alon,

Kay hirap lampasan kung walang determinasyon.


Malapit ko nang marating ang layunin,

Bitbit ang lahat ng aking hangarin.

Ang landas man ay hindi naging madali,

Sikap at tiyaga ang tanging naging susi.

No comments:

Post a Comment