Saturday, January 17, 2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ: “Drex Zamboanga sabik bumalik at patunayan ang bagsik sa BRAVE Combat Federation sa 2026” ni Precious Hannah Mayo


Inilathala ni: Keshia Gwyneth Esposa

Petsang Inilathala: Enero 17, 2026

Oras na Inilathala: 3:50 PM


Handang kumawala at muling manindak si Drex “T-Rex” Zamboanga sa loob ng hawla ng BRAVE Combat Federation (BRAVE CF), determinadong ipakita— bilang isa sa mga mahuhusay na ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ, na hindi pa tapos ang kanyang laban sa pandaigdigang mundo ng Mixed Martial Arts (MMA), ngayong 2026.


Naudlot ang inaabangang ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต ni T-Rex sa BRAVE CF noong nakaraang taon matapos siyang magtamo ng lateral collateral ligament injury sa tuhod, na nagpilit sa kanya na umatras sa BRAVE CF 95 at pansamantalang huminto ang kanyang ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ.


Ang biglaang pagkaantala ay isang malaking dagok para sa beteranong mandirigma, lalo’t dala niya noon ang mataas na ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ at matinding pananabik na ipakita ang kanyang galing sa isang pandaigdigang entablado ng MMA.


Sa halip na panghinaan ng loob, ginamit ni T-Rex ang mahabang panahon ng rehabilitasyon upang palakasin hindi lamang ang kanyang katawan kundi pati ang disiplina, kaisipan sa laban, at determinasyong bumalik na mas malakas kaysa dati.


Matapos ideklarang ganap nang malakas at handa, bumalik si T-Rex sa buong-intensidad na pagsasanay, hinahasa muli ang kanyang tama, pagkakahawak, at tibay ng katawan bilang paghahanda sa mas mabibigat at mas matinding bakbakan.


 “๐˜ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ณ๐˜บ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜ ๐˜ด๐˜ช๐˜จ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜‰๐˜™๐˜ˆ๐˜๐˜Œ ๐˜Š๐˜ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ง๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜น๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ป๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต,” ani T-Rex, na malinaw na sumasalamin sa kanyang uhaw sa laban at determinasyong sulitin ang bawat pagkakataon.


Bitbit ng dating URCC bantamweight champion ang solidong 14-6 na propesyonal na rekord, kung saan 11 sa kanyang mga panalo ay nagwakas sa, ๐˜ฌ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต o ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ, patunay ng kanyang bagsik, ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ต, at kakayahang tapusin ang laban anumang sandali.


Kilala si T-Rex sa kanyang agresibong istilo, at kakayahang tapusin ang laban, mga sandatang inaasahang magiging susi sa kanyang kampanya sa BRAVE CF.


Sa kanyang bagong yugto sa pandaigdigang MMA, target ni T-Rex na makalikom ng sunod-sunod na panalo, umakyat sa ranggo, at muling ipaalala sa mundo na ang Pilipinong mandirigma ay handang mangibabaw sa loob ng hawla.


Para kay T-Rex, ang pagbabalik na ito ay hindi lamang ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ค๐˜ฌ kundi isang matinding pahayag na siya ay handang lumaban, manalo, at muling patunayan ang kanyang tapang at bagsik sa BRAVE Combat Federation.


REFERENCES:

ABS-CBN News. (2026, January 15). Drex Zamboanga eager to prove worth in new journey with BRAVE CF | ABS-CBN Sports. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/sports/othersports/2026/1/15/drex-zamboanga-eager-to-prove-worth-in-new-journey-with-brave-cf-1710


Fit-again Drex Zamboanga eager to compete anew in new journey with BRAVE CF. (n.d.). One-network. https://www.onesports.ph/more-sports/article/40193/fit-again-drex-zamboanga-eager-to-compete-anew-in-new-journey-with-brave-cf


#News #Sports

No comments:

Post a Comment