Disenyo ni: Paul Quijano
Inilathala ni:Patrick Lance Guerra
Petsang Inilathala: Enero 20, 2026
Oras ng Inilathala: 7:55 AM
Nagbuga ng panandaliang ๐ญ๐ข๐ท๐ข ang Bulkang Mayon madaling-araw ng Enero 13, na tumagal ng humigit-kumulang 35 segundo at umabot sa 100 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan, ayon sa ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐๐ฏ๐ด๐ต๐ช๐ต๐ถ๐ต๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ฐ๐ญ๐ค๐ข๐ฏ๐ฐ๐ญ๐ฐ๐จ๐บ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฆ๐ช๐ด๐ฎ๐ฐ๐ญ๐ฐ๐จ๐บ (PHIVOLCS).
Naitala ang pagbuga ng ๐ญ๐ข๐ท๐ข gamit ang mga monitoring station ng ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐๐ฐ๐ญ๐ค๐ข๐ฏ๐ฐ ๐๐ฃ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ข๐ต๐ฐ๐ณ๐บ ๐ข๐ต ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐๐ฆ๐ด๐ต๐ฉ๐ฐ๐ถ๐ด๐ฆ ๐๐ต๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ. Ayon sa ahensya, hindi pa ito sapat na dahilan upang itaas ang ๐ข๐ญ๐ฆ๐ณ๐ต ๐ญ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ.
“๐๐ฉ๐ช๐ด ๐ช๐ด ๐ฏ๐ฐ๐ต ๐บ๐ฆ๐ต ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ค๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ฏ๐ฐ๐ถ๐จ๐ฉ ๐ต๐ฐ ๐ธ๐ข๐ณ๐ณ๐ข๐ฏ๐ต ๐ณ๐ข๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ญ๐ฆ๐ณ๐ต ๐๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ,” ani PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol.
Dagdag pa niya, maaari lamang itaas ang ๐ข๐ญ๐ฆ๐ณ๐ต ๐ญ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ kapag ang aktibidad ng ๐ญ๐ข๐ท๐ข ay naging tuloy-tuloy, mas tumagal, at umabot ng daan-daang metro kasabay ng paglala ng iba pang senyales ng aktibidad ng bulkan.
Sa kasalukuyan, nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano na nangangahulugang may mataas na antas ng panganib at posibilidad ng ๐ฑ๐บ๐ณ๐ฐ๐ค๐ญ๐ข๐ด๐ต๐ช๐ค ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ต๐บ ๐ค๐ถ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด, ๐ญ๐ข๐ท๐ข ๐ง๐ญ๐ฐ๐ธ๐ด, ๐ข๐ต ๐ณ๐ฐ๐ค๐ฌ๐ง๐ข๐ญ๐ญ๐ด.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 206 na ๐ณ๐ฐ๐ค๐ฌ๐ง๐ข๐ญ๐ญ ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด at 63 na ๐ฑ๐บ๐ณ๐ฐ๐ค๐ญ๐ข๐ด๐ต๐ช๐ค ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ต๐บ ๐ค๐ถ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด, kasama ang pagbuga ng ๐ด๐ถ๐ญ๐ง๐ถ๐ณ ๐ฅ๐ช๐ฐ๐น๐ช๐ฅ๐ฆ ๐จ๐ข๐ด at paglitaw ng ๐ค๐ณ๐ข๐ต๐ฆ๐ณ ๐จ๐ญ๐ฐ๐ธ.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong ๐๐ฆ๐ณ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ๐ณ ๐ก๐ฐ๐ฏ๐ฆ na sumasaklaw sa ilang lugar sa Albay tulad ng Legazpi City, Daraga, Camalig, Guinobatan, Malilipot, at Santo Domingo.
Ayon sa ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ช๐ด๐ข๐ด๐ต๐ฆ๐ณ ๐๐ช๐ด๐ฌ ๐๐ฆ๐ฅ๐ถ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ค๐ช๐ญ, mahigit 4,000 katao ang apektado ng patuloy na aktibidad ng Mayon Volcano at karamihan sa kanila ay nananatili sa mga ๐ฆ๐ท๐ข๐ค๐ถ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ค๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ.
Tiniyak naman ng ๐๐ฆ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ฐ๐ง ๐๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ญ๐ง๐ข๐ณ๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ฑ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต na sapat ang pagkain, tulong, at suplay para sa mga ๐ฆ๐ท๐ข๐ค๐ถ๐ฆ๐ฆ at handa silang tumugon sakaling madagdagan pa ang bilang ng mga lilikas.
Patuloy ang masusing pagbabantay ng PHIVOLCS sa Mayon Volcano at patuloy ding pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.
MGA SANGGUNIAN:
[1] Clores, K. (2026, January 13). Mayon Volcano spews short-lived lava on Tuesday – PHIVOLCS. Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/2167255/mayon-volcano-spews-short-lived-lava-on-tuesday-phivolcs-2/amp
[2] IQAir. (2026, January 12). Volcanic eruption map spotlight: Mayon Volcano, Philippines. https://www.iqair.com/hk-en/newsroom/volcanic-eruption-map-spotlight-mayon-volcano-philippines
[3] Manahan, J. (2026, January 12). DSWD: Enough aid, supplies for those affected by Mayon unrest. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/regions/2026/1/12/dswd-enough-aid-supplies-for-those-affected-by-mayon-unrest-1602
[4] Rita, J. (2026, January 13). Mayon Volcano logged 206 rockfalls, 63 PDCs in past 24 hours. GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/972601/mayon-volcano-logged-206-rockfalls-63-pdcs-in-past-24-hours/story/?amp

No comments:
Post a Comment