Disenyo ni: Mariela Gonzales
Inilathala ni: Rianna Isabel M. Tan
Petsang Inilathala: Marso 18, 2026
Oras na Inilathala: 5:51 PM
Ipinakita ng Filipino tennis prodigy na si Alex Eala ang kanyang determinasyon at tapang sa kabila ng pagkatalo laban kay Linda NoskovΓ‘ ng Czech Republic sa straight sets, 2–6, 0–6, sa BNP Paribas Open sa Indian Wells Tennis Garden, California, USA, noong Marso 11, 2026.
Sa unang yugto ng laban, agad na naglatag ng agresibong opensiba si NoskovΓ‘ sa pamamagitan ng malalalim na baseline shots at malalakas na serbisyo, kung saan nabreak niya ang serbisyo ni Eala sa maagang bahagi pa lamang at kinontrol ang takbo ng laro sa kabila ng ilang matitinding rally at cross-court winners ng Filipina upang maselyuhan ang set, 2–6.
Sa ikalawang set, sinubukan ni Eala na bumawi sa pamamagitan ng mas agresibong returns at paglikha ng break-point opportunities, ngunit nanatiling kalmado at dominante si NoskovΓ‘ gamit ang sunod-sunod na aces, mabilis na footwork, at matatalim na groundstrokes na tuluyang nagbigay sa kanya ng momentum hanggang makumpleto ang sweep, 0–6.
"I do leave with happiness,” ani Eala, na nagpahayag ng kanyang halo-halong emosyon matapos ang laban ngunit nananatiling proud sa kanyang pag-abot sa ikaapat na round ng torneo.
Sa kabila ng pagkatalo, ipinamalas ni Eala ang kanyang tibay, taktikal na galing, at fighting spirit laban sa mas mataas ang ranggo na kalaban, patunay na sa edad na 20 ay isa na siyang rising force na dapat bantayan sa international tennis scene..
MGA SANGGUNIAN:
[1] Naredo, C. B. (2026, Marso 11). Tennis: Alex Eala bows out of Indian Wells with loss to Linda NoskovΓ‘. https://www.abs-cbn.com/sports/othersports/2026/3/11/tennis-alex-eala-bows-out-of-indian-wells-with-loss-to-linda-noskov-1231
[2] Villar, K.S. (2026, Marso 12). Manila Bulletin - 'I'm here to stay': Alex Eala turns page to Miami Open after Indian Wells run. https://mb.com.ph/2026/03/12/im-here-to-stay-alex-eala-turns-page-to-miami-open-after-indian-wells-run

No comments:
Post a Comment