Monday, August 10, 2026

π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘: “Kris Aquino, nagbabalik bilang C.H.I.K.A. ng Netflix Philippines” ni Isaac Victor Del Rosario


Disenyo ni: Desiree Jane San Jose Baligod

Inilathala ni: Jannah Pauline Beldad

Petsang Inilathala: Agosto 10, 2026

Oras na Inilathala: 12:30 PM


Nagbabalik muli upang magbigay ng aliw si Kris Aquino matapos siyang iluklok ng Netflix Philippines bilang Chief Head of Insights and Kontent Analysis (C.H.I.K.A.) noong Biyernes, Agosto 7, 2026. 

Sa nasabing kampanya, ipinakita si Aquino na nagbibigay ng mga pranka at kaaliw-aliw na mga komento sa ilang lokal na palabas ng Netflix. 

Tampok din ang mga binibigay na payo ni Aquino sa page-edit, mga eksena, at iba pang detalye tungkol sa mga serye o palabas.

Mainit namang sinalubong ng mga artista at netizens ang kanyang pagbabalik, kung saan marami ang nanabik at muli siyang tinawag na “Queen of all Media."

Iniulat din ng Netflix Philippines na tatlong episode ang ilalabas sa kampanyang pangungunahan ni Aquino ngayong 2026 na ipapalabas sa Agosto 7, 14, at 20.

Ang naturang proyekto ay sinasabing isa sa pinakamalaking hakbang sa unti-unti niyang pagbabalik sa industriya matapos ang ilang taong pakikipagsapalaran sa iba’t ibang autoimmune disease.


MGA SANGGUNIAN:

ABS-CBN. (2026, August 7). Kris Aquino is back: The Queen of All Media joins Netflix PH as the new C.H.I.K.A. https://www.abs-cbn.com/entertainment/showbiz/celebrities/2026/8/7/kris-aquino-is-back-the-queen-of-all-media-joins-netflix-ph-as-the-new-c-h-i-k-a-1302

GMA Integrated News. (2026, August 7). Personalities, netizens celebrate Kris Aquino's return. https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/997703/personalities-netizens-celebrate-kris-aquino-s-return/story/


No comments:

Post a Comment