Thursday, March 26, 2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”: “Usapan sa ‘Lifetime Fuel’: Isyu sa Gantimpala ni Hidilyn Diaz, Muling Umingay” ni Dennise Ubalde

 

Layout by: Erelah Janika Geniza 

Published by: Keshia Gwyneth Esposa

Date Published: March 26, 2026

Time Published: 12:47 PM 


Inungusan ng kontrobersiya ang Philippine sports noong Marso 12 matapos sabihin ng kampo ni Hidilyn Diaz na ang ipinangakong “lifetime free fuel” mula sa Phoenix Petroleum matapos ang kanyang gintong panalo sa 2020 Tokyo Olympics ay hindi umano ganap na naipatupad, dahilan upang muling pag-usapan ng publiko kung bakit naputol ang naturang insentibo para sa Olympic champion ng Pilipinas.


Noong 2021, matapos daigin ni Diaz ang matitinding kalaban sa women’s 55-kg weightlifting event ng 2020 Tokyo Olympics, umulan ng gantimpala mula sa gobyerno at pribadong sektor.


 Isa sa pinakamalaking pangako ay mula sa Phoenix Petroleum ₱5 milyon at sinasabing “lifetime free fuel” bilang pagkilala sa makasaysayang gintong medalya ng atleta.


Ngunit kamakailan, kumawala ang bagong usapin matapos sabihin ng manager ni Diaz na si Noel Ferrer na ang naturang lifetime fuel incentive ay naging “drawing” lamang o planong hindi umano tuluyang naisakatuparan.


Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, umungos sa social media ang diskusyon ng mga netizen na nagtatanong kung bakit tila hindi natupad ang pangakong insentibo para sa Olympic champion.


Habang umiinit ang diskusyon, nagpumiglas ang iba’t ibang opinyon mula sa sports fans, may ilan na naniniwalang dapat tuparin ang pangako bilang pagkilala sa sakripisyo ng atleta, habang ang iba naman ay nagsasabing maaaring may limitasyon ang naturang alok.


Sa kabila ng isyu, nananatiling nakatuon si Diaz sa kanyang training at paghahanda para sa susunod na kompetisyon, patunay na ang isang tunay na kampeon ay marunong bumalikwas sa anumang hamon sa loob man o labas ng platform.


Sa pagtatapos ng season, kumalas man ang ilang kontrobersiya sa paligid ng kanyang pangalan, umaasa ang mga coach at atleta na sa mga susunod na taon ay magiging mas malinaw at mas matatag ang suporta sa mga Pilipinong kampeon na patuloy na lumalaban para sa karangalan ng bansa. 


References:


[1] ABS-CBN News. (2026, March 12). Phoenix airs side on “lifetime fuel incentive” for Hidilyn Diaz. https://www.abs-cbn.com/sports/othersports/2026/3/12/phoenix-airs-side-on-ifetime-fuel-incentive-for-hidilyn-diaz-1752


[2] PEP.ph. (2026, March 11). Hidilyn Diaz lifetime free fuel incentive “drawing” only. https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/191309/hidilyn-diaz-lifetime-free-fuel-incentive-a4118-20260311

No comments:

Post a Comment