Wednesday, August 19, 2026

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Ang Aking Pagluha sa Iyong Kalayaan" ni Lyn Axzel G. Ganaba


Disenyo ni: Jannah Precious Nabua

Inilathala ni: Beatrice Isabel Miole

Petsang Inilathala: August 19, 2026

Oras na Inilathala: 8:00 AM


Kategorya: Tula

Tema: Paglaban ng pag-ibig sa kabila ng lahat ng batas at hangganan.


Kung ang mundo ay hahantong sa huling hininga, 

ikaw ang magiging ningas ng pag-ibig na nagbabaga sa karimlan. 

Ngunit kung sakaling maglaho ang tuwa sa'yong mga mata, 

Pagsisisi ang magiging anino ng aking katahimikan.


Ang hindi ka ibigin ay isang bigat sa aking dibdib,

tila pagpatay sa apoy na ako mismo ang lumikha.

At ang hindi ka isipin ay isang paghihirap na paulit-ulit,

sapagkat sa bawat paghinga,

larawan mo pa rin ang sumisilip sa aking isip.


Kung gumuho man ang langit at lupa,

hindi ko hahanapin ang sarili sa gitna ng pagkawasak.

Pangalan mo ang unang lilitaw sa abo ng aking alaala,

at ang huling tinig na tatambol sa pagod kong dibdib.


At kung ang tanging paraan para mailigtas ka ay mawala ako,

yayakapin ko ang dilim nang may ngiti sa labi,

pipiliin kong lumayo upang ikaw ay manitiling buo. 

Sapagkat may kapayapaan sa ideyang malaya kang huminga, 

kahit ako ay unti-unting nalulunod sa sariling kawalan.


No comments:

Post a Comment