Wednesday, August 19, 2026

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Walang Sayang Sa’kin” ni Rophe I. Castillo


Inilathala ni: Lanaia C. Paulin

Petsang Inilathala: Agosto 19, 2026

Oras na Inilathala: 6:39 AM



Kategorya: Tula

Tema: Walang masasayang na pagkakataon; lahat ng hindi napasaiyo ay sadyang hindi itinadhana para sa’yo.

Akala ko noon, ako’y nahuhuli, 
Sa bawat pagkakataong hindi mababawi. Ngunit habang tinatahak ang landas na mapait,
Liwanag ang sumalubong sa bawat munting saglit. 

May mga pangarap na hindi ko naabot, 
Mga dasal na hindi rin agad nasagot. 
Masakit man isipin ang sa bawat pagluha, Ngunit may lihim na aral ang bawat pagdapa. 

Ang mga bakas na unti-unting tinangay ng ulan, 
Ay naging tuntunin sa’kin sa tamang daan. Sapagkat ang para sa akin ay kusang dadating, Hindi kailanma’y mawawala sa aking paningin. 

Kung may pintuang sa aki’y hindi bumukas, Hindi iyon tanda na ako’y kapos o may butas. Bawat “hindi” na aking hirap na tinanggap, 
May “oo” palang dadating na higit ang yakap. 

Ngayo’y alam kong walang nasayang na panahon, Bawat daan ngayon ay mahinahon. Ang lahat ng hindi napasaakin ay hindi itinadhana, 
At ang para sa akin ay hahanapin akong kusa.

No comments:

Post a Comment