Saturday, August 8, 2026

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔: "Grupo ng mga manggagawa, nagprotesta laban sa TRO sa P85 na dagdag-sahod" ni Ava Graciella Ainza


Disenyo ni: Yumilca Ahyan Domingo

Inilathala ni: Jannah Pauline Beldad

Petsang Inilathala: Agosto 8, 2026

Oras na Inilathala: 4:17 PM

 

Protesta ng mga grupo ng manggagawa ay namataan sa labas ng opisina ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Manila, nitong Biyernes, Agosto 7, 2026, upang kuwestiyunin ang desisyon ng Korte ng Pasig na naglabas ng temporary restraining order (TRO) hingil sa pagpapatupad ng P85 na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.

Binatikos si Acting Labor Secretary Francis Tolentino ng mga miyembro ng Nagkaisa Labor Coalition, Partido Manggagawa, at Kilusang Mayo Una na nagtipon sa opisina ng DOLE para isagawa ang protesta patungkol sa sinasabing “weak response” sa TRO, ayon sa ulat ni Manny Vargas sa dzBB Super Radyo.

Hinihikayat din ng mga grupo si Tolentino na maghain ng pagtutol sa desisyon, sa pagsasabing malinaw itong paglabag sa batas.

Inaasahang pagbibigyan ni Tolentino ang isang pakikipag-usap sa mga rallyista mamaya sa araw na ito, dagdag ng tagapag-ulat.

Noong nakaraang Hulyo, ipinagkaloob ng Korte ng Pasig ang kahilingan ng mga nagpestisyon na Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders, Inc. para sa isang TRO laban sa pagpapatupad ng NCR Wage Oder No. 27, “habang hinihintay ang resolusyon sa petisyon para sa declaratory relief.”


MGA SANGGUNIAN:

Untalan, S. (2026, August 7) Workers' group rally vs TRO on P85 wage hike. GMA News

https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/997673/workers-group-rally-vs-tro-on-p85-wage-hike/story

No comments:

Post a Comment