"Ivermectin para sa Covid-19?"
ni: Danica Elizaga
Magdadalawang taon na simula ng umusbong ang pandemya ngunit hanggang ngayon ay kakaunti pa lang ang masasabing epektibong lunas. Libo-libo na ang nalagas sa ating populasyon, kaya hindi na kataka-taka kung maging desperado ang mga tao at umimbento ng kung ano-ano para lamang makaiwas sa sakit.
Ang Ivermectin ay naaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA), upang gamutin ang mga taong may sakit sa bituka gaya ng strongyloidiasis at onchocerciasis, dalawang kundisyon na sanhi ng mga bulating parasito. Sa madaling salita ay gamot ito para sa mga kuto. Ngunit bakit naisipan ng mga tao na makakatulong ito upang maiwasan natin ang kumakalat na virus?
Maraming maaaring maging epekto ang Ivermectin sa isang tao. Maaaring maging sanhi ng pagduwal, pagsusuka, pagtatae, hypertension, mababang presyon ng dugo, alerdyi, pangangati at pantal. Ang pinakamalalang maging epekto nito ay ang pagkamatay.
Ang mga produktong Ivermectin ng hayop ay ibang-iba sa mga naaprubahan para sa mga tao. Mapanganib ang paggamit ng Ivermectin ng hayop para sa pag-iwas o paggamot ng COVID-19 sa mga tao. Hindi tayo hayop na pwedeng pag-eksperimentuhan.
Source:
FDA
Photo:
FDA
No comments:
Post a Comment