Hindi lang katawan ang sexy.
“There’s nothing sexier than humility... and you passed!” saad ng TV host na si Stephen Colbert mula sa TV show na “The Late Show with Stephen Colbert” sa tinaguriang pinaka-sexy na lalaking nabubuhay na si Paul Rudd.
Mula sa pagganap sa mga pelikulang: Clueless; Friends; Ant-Man, at iba pa. Marami nang movie character na ginampanan ang American actor, screenwriter at producer na si Paul Rudd na ngayo’y hinirang na pinaka-sexy na lalaking nabubuhay. Inani niya ang pagkilala mula sa People Magazine. Sa pamamagitan ng late show ni Stephen Colbert ay sinubok ang nasabing aktor sa paraan ng series of “sexiness” test na kung saan mapapanatili ni Rudd ang kaniyang kasexyhan sa ibibigay na sitwasyon ni Colbert. "Tested negative for sexy,” biro ni Colbert na siyang nakapagpa-dismaya sa aktor at naging hint naman para parangalan si Paul Rudd bilang sexiest man alive. “I’m the sexiest man alive?” hindi makapaniwalang bulalas ng aktor bago koronahan.
Kung mayroong sexiest man alive, mayroon ding sexiest woman alive.
Si Teyana Taylor ang tinaguriang sexiest woman alive mula sa Maxim Magazine. Si Taylor ang nangunguna mula sa 100 Hot list. Kabilang din sa listahan sina Megan Thee Stallion, Jennifer Lopez at Cindy Kimberly.
“I don’t have much time to be and feel sexy,” saad ng 30 anyos at ina ng dalawang batang babae na si Teyana Taylor. White cut-off Hanes tank top na kita ang kaniyang six-pack midriff at oversize vintage camouflage pants ang kasuotan ni Taylor sa shoot ng nasabing Magazine. Malaking karangalan para kay Taylor ang pagkilala sa kaniya bilang sexiest woman alive dahilan sa siya ang unang black woman na pinarangalan ng Maxim Magazine.
Pinatunayan nila Paul Rudd at Teyana Taylor na karapat-dapat sila sa karangalang natanggap, hindi lang sa tunay na depinisyon ng salitang sexy kundi pati sa ugaling ipinamalas nila.
Photo Source:
Forbes.com
imgix.bustle.com
No comments:
Post a Comment