Wednesday, November 3, 2021

LITERARY: "Ang babaeng nakaputi” by: Joanna Elisha Medina



Nanlalamig at tumataas ang mga balahibo, ang ilan sa mga nararamdaman ng isang bata noong nakarinig siya ng mga yapak at nakakita ng white lady sa abandunang paupahan sa likod ng kanilang bahay.

Nang mawalan ng kuryente sa baryong Costa Leona sa kadahilanang may bagyo.Lumabas ang isang bata sa kanilang tahanan at mga nakasinding kandila lang ang kanyang naaninag.Naisipan niyang maglaro ng kandila, hinihintay niya itong matunaw at tsaka niya ginagawang bilog.

Siya’y nagtataka sa tunog ng mga yapak na kaniyang naririnig, sapagkat ang kaniyang mga magulang at kapit-bahay ay nasa loob ng kanilang mga tahanan.Namatay ang apoy ng kandilang kanyang nilalaro kahit hindi naman niya ito hinihipan at hindi malakas ang hangin noong mga panahong iyon.

Pinagpapawisan na siya dahil tingin niya’y may nakatitig sa kanya.Dahil sa kuryosidad, siya’y lumingon na dapat hindi niya ginawa sapagkat nakakita siya ng babaeng nakaputi na nakasabog ang buhok sa buong mukha.Nanginginig na kumaripas ng takbo ang bata, pumasok siya sa bahay nila at dumiretso sa kanyang kwarto at impit na umiyak.

Kinabukasan, sumilip siya sa abandunang paupahan at nakakita siya ng puting sando na nakasampay sa gilid.Naguguluhan na nilisan ng bata ang nasabing lugar at napapaisip kung totoong white lady ba ang kaniyang nakita noong gabi  na ‘yon o sandong puti lang.At dito na nagtatapos ang kwentong “Ang babaeng nakaputi”. 

Ikaw, meron ka bang kwentong katatakutan? Nanlalamig at tumataas ang mga balahibo, ang ilan sa mga nararamdaman ng isang bata noong nakarinig siya ng mga yapak at nakakita ng white lady sa abandunang paupahan sa likod ng kanilang bahay.







No comments:

Post a Comment