Tuesday, November 30, 2021

LITERARY: Ang bayani: May pag-asa by: Zoe Alacar

 


Classification: Poetry

Theme: For Bonifacio Day


Siya ay si Andres Bonifacio.
Ama ng Himagsikang Pilipino 
Sa kanya ay walang takot,
Kahit bitayin ng sariling kapwa Pilipino

Lumaki na dukha sa Tondo Manila,
Panganay sa kanilang malaking pamilya.
Sila ay galing sa mahirap,
Sariling dugo’t pawis siya’y nagsumikap.
Sa huli,
Makikita ang pagmamahal niya sa kaniyang paligid 

Isang makabayan na ang layunin ay makalaya
Sa alipin ng mga taga Espanya
Ang hirap ay hindi malilimot. 
Sa mahabang panahon,
Walang Pilipinong kayang bumangon 

Sa papel at lapis,
Sinulat niya ang mabagsik na kasaysayan
Ang kalupitan na ginawa ng mga dayuhan
Puso niya'y para lamang sa inang bayan,
Kumilos para sa ating kinabukasan

Itinatag niya ang Katipunan
Kung saan umusbong ang Kalayaan ng Bayan
“Punitin ang sedula!”
Yan ang sabi nila.

Dahil sa pagmamahal niya sa bansang Pilipinas,
Ginawa niya lahat ito.
Dahil nakita niya,
Ang kahirapan ng mga Pilipino.

Siya ay si Andres Bonifacio.
Ama ng Himagsikang Pilipino 
Sa kanya ay walang takot,
Kahit bitayin ng sariling kapwa Pilipino.



Layout by: Monette Mella


Published by: Ysabella Charis Vaila 
Date published: November 30, 2021 
Time published: 12:51 pm 



No comments:

Post a Comment