Thursday, December 2, 2021

LITERARY: "Malamig na pasko" by: Juzmine Rein Iguid





Titulo: Malamig na pasko

Kategorya: Tula

Tema: Malungkot na Pasko

May-akda: Juzmine Rein Iguid

Buod: Ang isang babae ay nakatanggap ng balita na ang kaniyang pinakamamahal ay magtutungo na sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya. Dahil nasanay na ang babae sa malayong relasyon, hindi na distansya ang kaniyang kinatatakutan, sa halip ay ang mga bagong tao na maaaring makilala ng kaniyang kabiyak sa pag-alis nito para sa kanilang kinabukasan.

...

Hindi man magtugma,

Ang aking mga salita

Sa panibagong mga tao mong makakasalamuha,

Ako nawa'y hindi mo makalimutan.

Sa darating na pasko,

O sinta ko sana kasama mo pa ako.

Ayokong maging malamig ito,

Kaya kung mamarapatin mo,

Pakiusap ay panatilihin mo ang init nito.

Magkalayo man tayong dalawa,

Masisiguro mong ako'y hindi mag hahanap ng iba.

Pagkat tuwing ang pasko ay sasapit,

Ikaw ang parating laman ng aking isip.




Published by: Heather Pasicolan

Date published: December 2, 2021

Time published: 7:00 am

1 comment: