Monday, January 24, 2022

LITERARY: "Liwanag sa Likod ng Kadiliman" ni Franxine Louise Teodocio

Katergorya: Tula

Tema: Pag-asa

Buod: Sa bawat hamon at pagsubok na darating sa buhay hindi maaaring mawalan ng pag-asa sapagkat hindi nawawalan ng kasagutan ang mga katanungang mabubuo sa isipan. 


Ang dating kalangitang puno ng mga tala,

ang bilog na buwan na siyang nagbibigay liwanag—

wala na at tanging ilaw sa mga kabahayan ang siyang pumalit na.


Nang mawala ang init,

doon yumakap ang malamig na hanging puno ng kalungkutan.

binuksan ang mata,

nasilayan ang mga tala.


pinagtakpan pala ang buwan at mga tala,

ng mga ulap na siyang yumakap sa buong kalangitan.

Gayunpaman, ngiti naman ang sumilay,

gayon din ang buwan


'pagkat balutin man ng naglulumbay na buwan,

ito naman ay pansamantala.

Na kung saan maghari man ang kadiliman,

sisilay pa rin ang siyang kaliwanagan.



Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: January 24, 2022

Time published: 12:14 PM

No comments:

Post a Comment