Klasipikasyon: Prosa
Tema: Pangungulila
Sinopsis: Maraming kabataan ang naghahanap ng kalinga ng isang magulang; ang maramdaman ang pagmamahal kahit sa simpleng paraan.
Maaari nyo ba akong tulungan na maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang?
Tawagin nyo na lamang ako sa pangalang Isah. Isang kabataang palaging nag-iisa, pagmamahal ng magulang ay tila kadiliman sa gabi at hindi mabanaag ng liwanag.
Sa bawat pagsapit ng umaga, dalawang imahe ng magulang ay hindi ko masilayan. Pakiramdam ng may magulang ay hindi ko naramdaman. Sa pagsapit ng tanghali imahe ng isang ina na makikita sa mga palabas sa telebisyon ay asaan na. Sa tuwing magtatakipsilim dalawang pares ng unan at kumot ay aking hawak sabay babaluktot maghihintay na dumilim, kumukulong kalamnan ay hindi na lang papansinin.
Sampung taon na ang nakakaraan ng huli nyo akong hagkan. Mainit na haplos sa aking balat kailan ko ba ulit mararamdaman? Sa wari ko ako'y inyong nakalimutan, anak na naghihintay na maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang.
Nakakatawang pagmasdan, napakasakit sa pakiramdam. Isang kabataan na naghahanap ng kalinga ng magulang, naglilimos upang siya ay mapagbigyan.
Published by: Rhina Ruth T. Galano
Date published: January 24, 2022
Time published: 7:37 PM
No comments:
Post a Comment