Kategorya: Tula
Tema: Pangungulila
Buod: Huling paalam sa taong minahal mo ng lubusan.
Sa tuwing sasapit ang dapit-hapon,
Alaala natin dalawa'y, binabalik ng panahon,
Masasayang pagsasama, na sayo lang nadama,
Subalit kabiguan din ay iyong pinadama.
Kasabay ng paglagas ng mga dahon,
Nagpaalam ka sa akin ng mahinahon,
Sumabay sa aking nararamdaman, ang malamig na panahon.
Sa pagsapit ng malamig na dapit-hapon.
Pero bago ka tuluyang lumisan,
Sa huling pagkakataon ikaw ay aking nasilayan,
Malungkot na dalawang pares ng iyong mga mata,
Sa akin na ay nagpapaalam.
No comments:
Post a Comment