Thursday, February 17, 2022

LITERARY: Huli By: Franxine Louise Teodocio


 Katergorya: Tula

Tema: Pag-ibig, Pagtanggap

Buod: Pagtanggap sa pag-ibig na hindi kayang suklian. 



Ang mga liham na isinulat, 

ang mga tulang isinapuso magmula nang mga mata'y sa paggising ay iminulat. 

Sa paglubog at paglitaw ng araw, 

sa paggising at pagtulog, ngalan mo lamang ang tanging nasa isipan.


Sa bawat mensaheng ipinapadala,

pag-ibig para sayo'y nakapaloob sa bawat nitong salita. 

Sa bawat ngiting iyong ibinibigay, 

Kakaibang ligaya ang labis na nadarama.


Ngunit hindi pa nagsisimula ang istorya nating dalawa,

tayo'y hanggang dito nalang pala. 

Heto na huling pahina ng kwentong tayong dalawa ang pangunahing tauhan.


Isusulat na ang salitang wakas, 

kahit na ang pag-ibig para sa iyo'y hindi magwawakas.  

Kahit na ang pinagsamahan ay maglahong parang bula, 

Ikaw pa rin ang nais na maging paksa sa 'king mga tula. 


Panahon man ay lumipas, taon man ay magdaan.

Ikaw at ikaw pa rin ang nais kong makasama sa susunod na habang buhay. 


Published by: Jahzara Jera P San Miguel
Date Published: February 17, 2022
Time Published: 10:18 pm


No comments:

Post a Comment