Monday, March 14, 2022

NEWS: "Bye-bye facemask?" by Ayesha Mae G. Monreal




Published by: Euleen Summer Garchitorena
Date Published: March 14, 2022
Time Published: 4:40 pm


Pinagpa-planuhan na ng gobyerno ang maaaring maging guidelines kung sakaling ibaba na sa Alert level 0 ang NCR. Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, maaaring matapos na ang mga health protocols kung sakali mang mag-deklara na ng Alert level 0.

“We have had cases below 1,000 for six days, but hopefully we could bring it down to 500 or even less on a daily basis so that we could…who knows…maybe we could deescalate to alert level 0,” dagdag pa ni Duque sa Laging Handa briefing. 

Ang pagsasakatuparan ng Alert level na ito ay pinag-uusapan pa ng mga opisyales ng IATF. Ngunit ayon kay Duque may mga kondisyon ang IATF na kinakailangang maipasa ng mga lugar sa Pilipinas upang i-deklara ang Alert level 0. Ito ay ang mga sumusunod: low to minimal risk classification caseload; low-risk healthcare utilization rate; full vaccination of 70 percent of the target population and first dose vaccination of 80 percent of senior citizens.

Hirit naman ng ilang mga netizen ay masyado pa raw maaga para ibaba ang mga health protocols lalo na at may sumisibol na panibagong variant na na-detect sa ibang bansa partikular sa Europe. 

Ayon naman sa isang netizen na sinang-ayunan ng karamihan, dapat kahit anong numero ng Alert level ang ideklara ay panatilihin pa rin ang pagsusuot ng facemask at palagiang paghuhugas ng kamay dahil ang COVID-19 ay hindi pa rin nawawala. Ibayong pag-iingat pa rin upang ang ating bansa ay paunti-unting makabalik na sa normal.

Source: Inquirer. net

No comments:

Post a Comment