Friday, April 14, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Sa langit, walang mahirap” ni Andrea Jasmine Navarro


Published by: Angel Monique Candelaria 

Date published: April 14, 2023

Time published: 8:30 AM


Kategorya: Tula

Tema: Konsepto ng buhay at kahirapan


Kay lawak ng planeta, kay bughaw ng kalawakan,

Tila butil ng buhangin na siyang patuloy na ibinubuga,

Patungo sa kawalan na minsa'y hindi mawari sa isipan,

Bawat segundo ang lumipas ay siyang walang tigil na pag-ikot ng katawan,

Sa linyang duyog na aking ibinubuo,

Gamit ang laksa ng dugo na aking itinatangis,

Dulot ng init at lamig na ibinibigay ng paligid,

Sa aki'y tumatatak;

Na walang katapusan ang talinhagang hamon,

At hindi matitigil ang walang humpay na pag-iisip.

Ito nga ba'y bahagi ng makabuluhang buhay,

O pili lamang ang nasa limitasyon at hanay?

Kahit na segundo'y hindi makaahon,

Sa tila dagat na pag-apaw ng emosyon,

Nalulunod sa sariling desisyon,

Lumulutang sa himpapawid na walang takot—

Sa isang iglap ay maaaring hindi makita,

Gaya ng paglipad ng inosenteng lobo,

Na pilit inaabot ang linyang kahit sino ma'y hindi masulyapan,

Tulak ng ugat ang adhikang pumasok sa walang espasyong balat;

Sa langit, walang mahirap—

Sa lupa'y walang aangat.


Photo by Tricia Macalisang

No comments:

Post a Comment