Friday, June 2, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Pangarap at Pagsisikap” ni Zandy Martinez

 



Published by Samantha Angelica Salaver
Date Published: June 2, 2023 
Time Published: 3:18 P.M.

Kategorya: Tula
Tema: Pagsisikap na makamit ang pangarap



Napakahirap mong abutin,
Napakahirap dahil sa pag-aalinlangan,
Napakahirap dahil sa mga nakapaligid,
Napakahirap dahil ako’y pagod na.

Handa naman akong harapin
Ang mga araw na madilim,
Pagka’t napakataas
Ng aking mithiin.

Narito akong sinusubukan pa ring lumaban
Sa hamon ng buhay.
Narito pa rin akong—kahit may pag-aalinlangan,
Patuloy lang hanggang sa kaya pa.

Ngunit hindi ko alam
Kung hanggang saan
Ang makakayanan
Ng puso, isip, at katawan.

Ngunit mas naniniwala akong
Balang araw,
Matatapos din ang paghihirap,
Para sa pagkamit ng pangarap.


No comments:

Post a Comment