Thursday, August 24, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Bulong ng Krisantemo" ni Reniza P. Manalaysay


Published by: Akira Joy Gabion

Date Published: August 24, 2023

Time Published: 3:40 PM


Kategorya: Tula

Paksa: Elehiya


Mga krisantemo'y nagsitindig,

punla ng alaala ng berdeng gubat mula sa supling.

Paligid ay kalmado liban sa bulong ng hangin,

paglagas ng tuyong dahon; bigat ng damdamin.


Tangkay na unti-unting nauupos,

dala ng hikbi sa langit.

Gaspang ng trosong sa lupa'y nakatungkod;

mahina—nakatikas

 nang mariin.

No comments:

Post a Comment