Monday, August 28, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Gabi" ni Eric Aguirre

 

Published by: Clarence Pasco

Date Published: August 28, 2023

Time Published: 11:09 AM


Kategorya: Tula

Tema: Pagsubok/Pagdurusa


Simoy ng malamig na hangin, umaaligid

Mapanglaw na damdaming may ipinapabatid

Luhang nagtutuksong pumatak,

Ingay ng katahimika'y humahalakhak


Pasado alas dose ng hating gabi

Pagsibol ng maputi at bilog na buwan

Mga bituwing nagniningning sa kalangitan

Malumaymay na himig ng kapaligiran


Tila gabi'y binabalot ng saya,

Kasiyahan na, nais kong madama

Pagsilip sa munting salamin,

Naaninag ang liwanag nakabighani sa'kin


Pinukaw ang puso, isip, at kalamnan

Mahalimuyak na amoy nakagagaan

Ako'y napatanong sa aking sarili

Saan nga ba ako nagkulang


Pilit inalam kung saan nga ba

Ibinigay ang lahat ni halos walang natira

Kasabay ng nadama,

Ihip ng hangi'y nag-iba


Lumipas ang ilang minuto

Ako'y nakapagisip-isip

Mga salita'y nabuo sa aking isip

Kasama ng damdamin at pag-ibig


Napagtanto sa bawat salita

Natukoy na kung saan nga ba

Hindi kontrolado ang bawat minuto,

O kay ganda palang mabuhay sa mundong ito.


Patuloy ang pagbalot ng dilim

Sabay sa kumpas ng orasang may mithiin

Tinig na palaging pinakikinggan

Itugma sa damdaming pinahahalagahan.

No comments:

Post a Comment