Monday, April 29, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Kung Maari Lang" ni Ashlyn Regado


Disenyo ni: Charisse Mae Suson Ardeza

Inilathala ni: Ellen Clare Carballo

Petsang Inilathala: Abril 29, 2024

Oras na Inilathala: 6:46 AM


Kategorya: Tula

Paksa: Pagsisisi at Panghihinayang


Kung maaari lamang na nasa tabi mo ako—

Noong mga panahong kinailangan mo ako,

Darating ako nang mas mabilis pa sa alas-kwatro,

makapunta lamang sa tabi mo.


Kung maari lang na nandoon ako

pupunasan ko ang mga luha mo.

Handa rin akong maging balikat mo—

sa panahon ng iyong pagsusumamo


Nais kong maging sandalan mo—

Noong mga panahong ako pa ang pahinga mo— ang makakapitan mo,

Nang lumuwang na ang kapit mo.


Ngunit paano?

Kung sugatan din akong katulad mo.

Paano naman ako?


Ang pagmamahal ko sa iyo ay may kaakibat na sakit—

Sakit na ikaw ang gusto kong lumunas— kung maaari lang,

Ngunit sa ngayo'y ako na lamang ang maghihilom nang pilit,

Sa panahong puno ng hapdi at panghihina ang dinaranas—

sa mga punto ng sansaglit.


SANGGUNIAN:
Starvixx. (2021, July 23). How to write a letter: A Great Guide for students and teachers. Pinterest. https://pin.it/3A75KZt0J

No comments:

Post a Comment