Friday, October 25, 2024

π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘: “Wagi ang Kuya sa Pamilya: Maxie Kinoronahan bilang 'Philippines Next Drag Superstar'” ni Francis Mesa


Disenyo ni: Clarisse Garcia

Inilathala ni: Haniyah Macadaag

Petsang Inilathala: Oktubre 25, 2024

Oras na Inilathala: 2:04 PM


Kinoronahan si Maxie Andreison bilang 'Philippines Next Drag Superstar' ng ikatlong edisyon ng Drag Race Philippines matapos niyang talunin ang sampung katunggali na ipinalabas nitong Miyerkules, ika-9 ng Oktubre.


“Sa wakas meron na akong korona! Wag na wag kayong mapapagod na ipaglaban ang pangarap niyo dahil balang araw makakamtan niyo 'yan, kagaya ng nangyari sakin ngayon,” pahayag ni Maxie.


Nasungkit ni Maxie ang korona matapos niyang ipamalas ang galing sa huling lipsync para sa korona laban kay Khianna with a K sa kantang Lipad ng Pangarap ni Angeline Quinto at Regine Velasquez.


Ipinamalas nina Maxie at Khianna ang kanilang angking talento sa kanilang huling paghaharap, kita ang taas ng emosyon ng magkatunggali, at sa dulo ng kanta, inakyat ni Maxie ang kanyang kapatid at kompetisyon na si Angel para koronahan ito parte ng kaniyang pagganap.


Ang pagkapanalo ni Maxie ay naglalayong magbigay inspirasyon at tumulong sa mga kabataan, Drag Queens na nangangarap.


“Sa mga bata, sa mga young generation, sa lahat ng mga drag queens na gustong mag show tutulungan ko kayo, pangako 'yan. Dahil ang entablado ay para sa ating lahat!” pagbabahagi ni Maxie.


Sa mahabang karera ng ikatlong edisyon ng Drag Race Philippines itinuring ng mga kalahok si Maxie bilang ang kanilang pinakamahirap na makakalaban dahil sa kilala na ang kaniyang galing bago pa man ang kompetisyon, at napatunayan naman ni Maxie na siya talaga ang nangunguna sa kompetisyon matapos makapasok sa Top 4 ng may tatlong 'Maxie Challenge Win' na napanalunan niya mula sa Girl Group, Improv, at Make-over.


Nagtapos ang karera ni Khianna with a K bilang pangalawa, habang si Tita Baby at Angel ang pangatlo at pang-apat matapos ang 'Finale Talent Show Extravaganza'. At si Versex bilang 'Miss Congeniality'.


PINAGMULAN NG LARAWAN:


Sibal, G. (2024, October 11). A Rundown of Maxie’s Performance on Drag Race Philippines Season 3. One Mega Group Inc.

https://mega-onemega.com/a-rundown-of-maxies-performance-on-drag-race-philippines-season-3/


MGA SANGGUNIAN:


Natividad, A. (2024, October 9). Drag Race Philippines (Season 3, Episode 10). https://www.wowpresentsplus.com/.../season:3/videos/drp-310


Andreison, M. (2024, October 9). I'm a winner babyπŸ‘‘!! [Tweet]. https://x.com/maxieandreison/status/1844015181908890103


Purnell, K. (2024, October 9). Maxie crowned winner of 'Drag Race Philippines' Season 3. https://qa.philstar.com/.../maxie-crowned-winner-drag...


Mallorca, H. (2024, October 9). Maxie declared as 'Drag Race Philippines' season 3 winner. https://entertainment.inquirer.net/.../maxie-declared-as...

No comments:

Post a Comment