Wednesday, November 13, 2024

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗛𝗔𝗠: "Mga mikroorganismong nagsasanhi ng 𝘢𝘮𝘯𝘦𝘴𝘪𝘢, natuklasan sa Luzon" ni Iony Ghail M. Castillo

Inilathala ni: Annika Howie Quizana

Petsang Inilathala: Nobyembre 13, 2024

Oras na Inilathala: 10:53 AM


Kinumpirma ng mga mananaliksik mula sa Ateneo de Manila University nitong ika-7 ng Nobyembre ang presensiya ng mga mikroorganismong 𝘗𝘴𝘦𝘶𝘥𝘰-𝘯𝘪𝘵𝘻𝘴𝘤𝘩𝘪𝘢 𝘱𝘶𝘯𝘨𝘦𝘯𝘴 at 𝘗𝘴𝘦𝘶𝘥𝘰-𝘯𝘪𝘵𝘻𝘴𝘤𝘩𝘪𝘢 𝘣𝘳𝘢𝘴𝘪𝘭𝘪𝘢𝘯𝘢 na nagdudulot ng 𝘢𝘮𝘯𝘦𝘴𝘪𝘢 sa mga 𝘴𝘩𝘦𝘭𝘭𝘧𝘪𝘴𝘩 𝘧𝘢𝘳𝘮 sa Bacoor 𝘉𝘢𝘺 at Pagbilao 𝘉𝘢𝘺 sa Luzon.

Ang mga positibong 𝘴𝘢𝘮𝘱𝘭𝘦 mula sa mga nabanggit na anyong tubig ay nakumpirma ng Ateneo de Manila University Department of Biology at Universiti Malaysia Sarawak.

Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga 𝘥𝘪𝘢𝘵𝘰𝘮 ay maliliit na organismong nabubuhay sa tubig na binabalot ng protektibong 𝘴𝘩𝘦𝘭𝘭 na gawa sa 𝘴𝘪𝘭𝘪𝘤𝘢. Bagamat karamihan sa mga uri ng 𝘥𝘪𝘢𝘵𝘰𝘮 ay hindi mapanganib, halos kalahati ng 64 na kilalang uri mula sa 𝘨𝘦𝘯𝘶𝘴 na 𝘗𝘴𝘦𝘶𝘥𝘰-𝘯𝘪𝘵𝘻𝘴𝘤𝘩𝘪𝘢 ay kilala sa paglikha ng 𝘥𝘰𝘮𝘰𝘪𝘤 𝘢𝘤𝘪𝘥 (𝘋𝘈).

Ang 𝘥𝘰𝘮𝘰𝘪𝘤 𝘢𝘤𝘪𝘥 (𝘋𝘈) ay isang 𝘯𝘦𝘶𝘳𝘰𝘵𝘰𝘹𝘪𝘯 na maaaring magdulot ng pagsusuka, pagkahilo, 𝘥𝘪𝘢𝘳𝘳𝘩𝘦𝘢 at may tsansa na magkaroon ng 𝘢𝘮𝘯𝘦𝘴𝘪𝘤 𝘴𝘩𝘦𝘭𝘭𝘧𝘪𝘴𝘩 𝘱𝘰𝘪𝘴𝘰𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘰 𝘱𝘦𝘳𝘮𝘢𝘯𝘦𝘯𝘵 𝘭𝘰𝘴𝘴 𝘰𝘧 𝘴𝘩𝘰𝘳𝘵-𝘵𝘦𝘳𝘮 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘺 sa isang tao kapag nakakonsumo ng shellfish na may mataas na antas nito.

Sa panahon ng 𝘳𝘦𝘥 𝘵𝘪𝘥𝘦 𝘰 𝘩𝘢𝘳𝘮𝘧𝘶𝘭 𝘢𝘭𝘨𝘢𝘭 𝘣𝘭𝘰𝘰𝘮𝘴 (𝘏𝘈𝘉𝘴), ang DA ay maaaring maipon sa mga kabibe gaya ng tahong at tulya. 

Ito ang unang pagkakataon na natagpuan ang 𝘗. 𝘣𝘳𝘢𝘴𝘪𝘭𝘪𝘢𝘯𝘢 sa Luzon. Nilalayon ng pag-aaral na ito na mas maintindihan ang dami at paglaganap ng 𝘗𝘴𝘦𝘶𝘥𝘰-𝘯𝘪𝘵𝘻𝘴𝘤𝘩𝘪𝘢 sa Pilipinas, lalo na’t limitado ang datos ukol sa molekular na katangian ng mga ito sa bansa.

“𝘐𝘵 𝘪𝘴 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢𝘸𝘢𝘳𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘰𝘹𝘪𝘤 𝘱𝘰𝘵𝘦𝘯𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘥𝘪𝘢𝘵𝘰𝘮𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘰 𝘮𝘰𝘯𝘪𝘵𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘮 𝘢𝘤𝘤𝘰𝘳𝘥𝘪𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘣𝘶𝘵 𝘴𝘶𝘤𝘩 𝘦𝘧𝘧𝘰𝘳𝘵𝘴 𝘮𝘶𝘴𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘪𝘯 𝘣𝘺 𝘦𝘴𝘵𝘢𝘣𝘭𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘰𝘶𝘳 𝘸𝘢𝘵𝘦𝘳𝘴. 𝘛𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘬𝘯𝘰𝘸𝘭𝘦𝘥𝘨𝘦, 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘭𝘦𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘵𝘢𝘹𝘰𝘯𝘰𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘗𝘴𝘦𝘶𝘥𝘰-𝘯𝘪𝘵𝘻𝘴𝘤𝘩𝘪𝘢 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴 𝘪𝘴 𝘷𝘪𝘳𝘵𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘯𝘰𝘯𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘯𝘵,” ayon sa mga mananaliksik.

Binigyang-diin din ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng patuloy na pagsubaybay sa epekto ng HABS sa Pilipinas. “𝘊𝘰𝘯𝘧𝘪𝘳𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘦𝘴 𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘢 𝘨𝘦𝘯𝘶𝘴 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘩𝘢𝘭𝘧 𝘰𝘧 𝘪𝘵𝘴 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯 𝘵𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘥𝘶𝘤𝘦 𝘋𝘈 𝘪𝘴 𝘦𝘴𝘴𝘦𝘯𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘵𝘰 𝘏𝘈𝘉 𝘮𝘰𝘯𝘪𝘵𝘰𝘳𝘪𝘯𝘨 (𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴),” dagdag nila.


MGA SANGGUNIAN:

[1] Scientists identify amnesia-causing microorganisms from shellfish farms in Luzon. (2024, November 7). GMA Network | News and Entertainment https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/926309/scientists-identify-amnesia-causing-microorganisms-from-shellfish-farms-in-luzon/story/

[2] Memory loss-causing organisms found in Luzon shellfish farms. (2024, November 7). NewWatch Plus. https://www.newswatchplus.ph/news/2024/11/7/memory-loss-organisms-shellfish-luzon-ateneo-research.html

[3] Two Pseudo-nitzchia diatom species identified in Luzon. (2024, November 7). Ateneo de Manila. https://www.ateneo.edu/news/2024/11/07/two-pseudo-nitzschia-diatom-species-identified-luzon

No comments:

Post a Comment