Monday, December 9, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Tumutulong o Nangangampanya?" ni Francis Mesa

 

Disenyo ni: Edward Tabig

Inilathala ni: John Kurt Gabriel Reyes

Petsang Inilathala: Disyembre 9, 2024

Oras na Inilathala: 6:59 AM


Kategorya: Tula

Paksa: Pinuno tuwing may kalamidad.

Ulan ng pighati, baha ng pagsubok,

Sino ang darating, sino ang tunay na sasalok?

Kapag yelo’y natutunaw at lupa’y nagwawala,

kailan ba natin sila makikita?

Sa pagkakataong umagos ang maruming tubig,

dilaw na papel, sa palad ay ibinigay.

Sa pagkakataong may mga nalulunod sa maruming agos,

may lumalangoy sa asul na alon,

namamasyal sa karangyaang galing sa kaban ng bayan.

Sa isa pang pagkakataong may naghihikahos sa gitna ng unos,

may babaeng ginagamit ang dinadanas ng iba,

para lang ilantad ang saganang buhay na natatamasa niya.

O, bayan kong mahal, sa hirap ay sabay-sabay,

huwag sanang mauto ng mga pangako’t sagot na walang saysay,

ang pagtulong sa anyo ng pagpapabango, at pagpapalinis,

sila ang makikinabang sa buwis na bunga ng pawis.

No comments:

Post a Comment