Friday, February 14, 2025

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Eureka!” by Ma. Nicole Pierre P. Saban

 

Inilathala ni: Aprilyn Sado

Petsang Inilathala: Pebrero 14, 2025

Oras na Inilathala: 5:24 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pagbibigay importansya sa kaalaman


Sa mga gabing patuloy na namamalagi ang katahimikan,
Nagsisimula ang mabagal na pagtungo sa iba't ibang kaisipan.
Lumilipas ng pabalik-pabalik ngunit walang mabigay na konklusyon,
Sa mga natuklasan sa pamamagitan ng isang katanungan.

Ang pakiramdam na dumating na rin sa bingit ng realisasyon,
Sa katapusan na magbibigay dahilan at solusyon.
Para sa mga araw at gabi na ginugol na puno ng determinasyon,
Upang mabigyang pagkakataon na sagutin ang lahat ng mga hamon.

Kahit ang kapalit man ay ang damdamin at matalik na koneksyon,
Pinipili pa rin na kulungin ang sarili mula sa buong nayon.
Ang buhay na nakatuon sa pangangalap ng malalim na kaalaman,
Ay makikita lamang sa dulo ng daan patungo sa kalinawan—

Ng lipunan, na nalikha dahil sa testamento ng mga diskusyon.
Magpapatuloy dahil sa pagsasama-sama ng utak ng bawat mamamayan.
Kahalagahan ng pagsasaliksik gamit ang nakalap na karunungan,
Sana'y ipagpatuloy pa rin na bigyang-diin sa mga taon na daraan.

No comments:

Post a Comment