Inilathala ni: John David ViΓ±as
Petsang Inilathala: Abril 2, 2025
Oras na Inilathala: 6:26 PM
Kategorya: Tula
Tema: Ang pagsisikap na ginagawa para sa sarili.
Kung darating ang araw na tuluyang tumumba,
At bumalik pababa, hanggang kung sino ka dati,
Maaaring hindi ang taas kung saan ka nanggaling,
Kundi kabiguan ang tunay mong kinatatakutan.
Dahil ang iyong ginawa ay hindi para sa pagkilala,
Ng mga taong walang malay sa iyong pinagdaanan.
Ang bigat ng inaasahan na nilagay sa iyong sarili,
Ay ginawa sa pamamagitan ng malayang kalooban.
Na pinanghahawakan sa araw-araw na paniniwala,
Upang hamunin ang sarili na harapin ang bingitβ
Ng uhaw na kahit anong gawin ay hindi mapawi,
Sa sariling imahe na wala, kundi puno ng gulanit.
Ngunit ang nararamdaman na pighati at dismaya,
Ay binibigyang dulot sa pag-akyat patungo sa bukas.
Na ang dulo ay hindi pa nakikita kasama ang resulta,
Sa mga layunin na hindi lamang tungkol sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment