Wednesday, April 2, 2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: โ€œSa Lilim ng Tapangโ€ ni Luigi Andree Baรฑos


 

Disenyo ni: Charisse Mae Suson Ardeza

Inilathala ni: Christine Mae A. Karunungan 

Petsang Inilathala: Abril 2, 2025

Oras na Inilathala: 1:29 PM


Kategorya: Tula

Paksa: Kahirapan sa pagpapahayag ng damdamin ng mga lalaki.


Sa lilim ng araw, may anyong matipuno,

subalit sa dilim, may lungkot na itinatago.

"Siya ay may pusong bato", wika ng mundo,

pero sino ang didinig sa pusong pagod na humikbi nang tahimik?


Ang luha'y nilulunod sa dagat ng sigaw,

pinalilibing sa lupa ng huwad na tapang.

Sapagkat siya raw ay haligi ng bahay,

ngunit sino ang tahanan niya kung siya'y gumuguho?


Mga kamay na sugatan sa paghawak sa mundo,

di makayang idipa upang humingi ng yakap.

Bawal ang panghina, bawal ang pagluhaโ€”

sapagkat sa kanilang mata, ang luhang bumagsak ay panghihina.


At kaya niyang indahin, kaya niyang itago,

hanggang sa maging anino ang sariling puso.

Ngunit sa bawat buntong-hininga sa gabing walang tanod,

naghahanap siya ng lupang tatanggap sa kanyang pagbagsak.


Kung ang bagyoโ€™y may puwang sa langit upang humiyaw,

bakit ang kaniyang pusong sugatan ay hindi puwedeng mangibabaw?


SANGGUNIAN:

Annie. (2022, September 28). Wylie Beckert: Illustration + Fine art. Pinterest. https://pin.it/5JG5RRYpO

No comments:

Post a Comment